Chapter 40 - Then, be ruined

58.3K 724 59
                                    

A/N: Dapat kahapon ko 'to in-update 'e. Kasi akala ko makakauwi agad kami sa first concert ko :) BTS Wings Tour Day 2~~ Masaya naman pero 'di ako ganon ka-fan kaya 'di ko na-enjoy ng sobra? 'Di ko kasi alam mga fan chants! Hahah! La e, Girl Group Stan ang lola niyo, nilibre lang ako ng ticket. Anywho eto na:



Hininto ni Jax ang kotse niya sa isang lugar na parang gubat. Noong makababa na ako ay wala akong ibang nakita kundi ang mga puno, sobrang daming puno na tila walang katapusan. 

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kung may gawin man sa'kin dito si Jax ay walang makakaalam, maaring dekada pa mahanap ang bangkay ko if ever na itago niya ako sa pinakaliblib nitong lugar.

Ano ba naman 'tong iniisip ko?

"Anong balak mong gawin sa akin dito?" Hindi ako sinagot ni Jax kundi ay tumawa lang siya, akala ata ay nagbibiro lang ako.

Nakita kong umalis na si Jax sa kinatatayuan niya at binuksan iyong likurang bahagi ng van kung saan inilabas niya doon ang isang basket na punong-puno ng iba't-ibang pagkain, sa kabilang kamay naman niya ay hawak niya iyong mahabang picnic mat. 

"Come on, hawakan mo braso ko Meg." Ngumiti akong lumalapit sa kanya at niyakap nga iyong malaking braso niya.

It's a good day, after all.

Ano ba naman kasi naisip ko kanina at tinanong ko siyang makipag-hiwalay kay Chloe? It's too much.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad na pinapangunahan ni Jax, para talagang alam na alam nito iyong buong lugar kahit nakakalito dahil sa sobrang raming puno na pare-parehas.

Ilang sandali pa kaming naglakad hanggang sa wakas ay medyo nawala na ang mga puno at unti-unti ay may nakikita na akong tubig.

Tubig?

No, it's a river.

Sa dulo ng nakakaligaw na gubat ay may tila paradiso kang matatagpuan. Nang tuluyang mawala na iyong mga puno at may lugar na para paglagyan ng picnic mat ay inilapag na ni Jax iyong mat at pinatong doon ang basket na dala niya.

Pinauna niya akong umupo at sumunod naman siya.

Nang makaupo na siya sa tabi ko ay mabilis akong yumakap sa braso niya at hinalikan iyong pisngi niya.

Nakadikit iyong labi ko sa pisngi niya habang nakapikit ang dalawa kong mata, tinatanim sa isip iyong eksenang ito na maaring hindi na ulit mangyari.

Ang tanging ingay lang na maririnig ay iyong hangin at tubig na tuloy-tuloy sa pag-bahid. Siguro ay maari na ring idagdag iyong puso ko?

Iyong puso kong sobrang lakas ang tibok ngayon?

Naririnig niya ba?

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto iyon tumagal dahil ang tanging alam ko lang ay kaming dalawa, magkasama, walang lungkot at walang kontra. 

Sa araw na wala na akong magagawa kundi ang lumingon sa nakaraan, ay isa itong sandaling nagsama ulit kami ang magiging magandang ala-ala na malungkot man pero bubuhay ulit sa akin.

How ironic.

Ang dala niya sa akin ay mga malulungkot na ala-ala, mga pagsisisi ng nakaraan pero ayon ang dahilan ng patuloy kong pagtakbo sa buhay.

If not only for Alisha malakas ang loob kong sasabihin na si Jax ang buong buhay ko.

"Bakit ka umiiyak Meg?" Malalim pero mahina ang boses niyang tanong habang parehas kaming dalawang nakatingin na lang sa ilog at ako ay nakayakap pa rin sa braso niya, alam na hanggang ngayon na lang ito at sa mga susunod na araw, taon o dekada man ay hindi na uli ito mangyayari.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon