"A-anong ginagawa mo dito?" Nanginginig ang boses na tanong ko. Hindi ako makahinga, parang ngayun ko lang ulit siya nakita sa mahabang panahon kahit na noong nakaraang linggo lang ay magkasama naman kaming dalawa.
Bakit ba lagi na lang ako ganito tuwing nakikita ko siya?
"Megane." Ngumiti ito sa gawi ko ngunit hindi ko iyon maibalik kahit na pilit. Ang tumatakbo lamang sa isipan ko ay si Alisha.
Akin lang si Alisha.
Ano ang pinaguusapan nila ni Mommy? Alam niya na ba ang tungkol kay Alisha? Ano ang gagawin niya sa'kin, sa'amin?
"I'm sorry Megane but I need to talk to your mother,uh, manager right now." Kumamot ito sa ulo na tila ayaw niya pa ako paalisin ngunit napipilitan lang siya. "We can talk later." Muli ay ngumiti siya sa gawi ko, ako ay parang kanina lang ay estatwa pa rin sa kinakatayuan.
Nagising na lang ako sa diwa ko ng marinig ko ang malamig na boses ni mommy. "You're not needed here Megane, this is OUR business. That's what he means."
"Oh." At doon ay gumalaw na ako, tumango ako na parang napagalitan na bata at papasok na sana sa loob ng bahay ng ibalik kong muli ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sasabihin ko sanang at least sa loob na sila mag-usap ng whatever business nila pero ng makita kong parehas silang nakatingin pa rin sa'kin ay di ko na 'yun tinuloy. "Eto na papasok na." Napataray ako sa kawalan at iniwan na silang dalawa sa labas.
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay di ko maiwasan ang lahat ng katanungan sa isipan ko. Ano ang pinaguusapan nila? Surely, it's not about my daughter Alisha, isn't? Jax doesn't look mad, annoyed or anything bad, and I believe even tho me and mommy isn't really in a good relationship right now she will never tell Jax my secrets, our secrets.
Oh fuck.
I don't really know what to do right now.
Huminga ako ng malalim "Kalma." Mahinang bulong ko sa sarili.
Tumungo ako sa kusina upang kumuha ng baso at uminom ng tubig, pero kahit sa pagsalin ko ng tubig mula sa pitcher ay hindi ko magawa. Nanginginig and kamay ko, naaasar na ibinaba ko na lang ang pitcher at umupo sa tool na na'sa harapan ko lang.
Ipinatong ko ang dalawa kong siko ko sa counter table at inilagay ang dalawa kong kamay sa mukha ko.
Kailan ba ako mawawalan ng problema?
Pweda ba?
Napatayo na lang ako ng makarinig ako ng hakbang, akala ko si mommy iyon kaya handang-handa na ang mukha kong kausapin siya ng makita ko sa pintuan si Jax.
I smiled at him weakly.
"Upo ka." Sabay turo ko sa katabi ko lang na stool, umupo naman siya.
"Megane?"
"Uhm?" Inilipat ko ang paningin ko sa kanya mula sa basong hindi ko nalagyan ng tubig kanina dahil sa panginginig ng kamay ko.
"D'you have a problem?" Muli ay nginitian ko siya at umiling.
Hinawakan nito ang dalawa kong kamay. "You really want to end the contract? We will have a problem, you know, legal issue but I'm not the CEO for nothing, I can fix it for you."
Umiling ako. "I'm professional Jax, you know that, si mommy ang problema. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. She's being stubborn, pine-personal niya ang lahat. Once na lumabas sa public na gan'to ka-unprofessional ang team ko you know what will happen. When my other contracts come to an end I doubt they'll sign me again. Mommy knows it, I don't know what to do with her, honestly."
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016