A/N: You can go back to Chapter 22 para 'di ka maguluhan kung anong nangyayari kasi eto ang kasunod niya pero kung hindi mo na babalikan, maiintindihan mo pa rin naman 'to ^^ Enjoy reading~
6 YEARS AGO.
JAX
"We need your decision Guozhi we've already given you a month to think, we don't have much time left. We need you now." May pagmamakaawa sa mata ni mama ng sabihin niya iyon---- sa totoo lang ay hindi pa rin ako sanay sa pagtawag sa kanya ng 'mama' pero ginagawa ko na lang 'yon bilang respeto sa kanya.
"Kapag hindi ba ako sumama sainyo, hindi niyo talaga ako tutulungan sa pera paggomot kay tatay?" Tanong ko na dahilan ng mabilis na pagiwas ng paningin sa akin ni mama, tumingin na lang ito sa likod ko, sa lumang pader ng bahay ni lola "Ma." Tawag ko sa kanya.
Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya pero halatang may gumugulo sa isip niya.
Nang ibalik niya na sa akin ang paningin niya ay nakita ko 'yong pagkaawa niya. "I want to help you Guozhi but your father.... he's a cunning man, he won't help you until you agree to live with us and be the rightful heir. I can't do anything about it, anak.... please this isn't easy for us too."
Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Noong nakaraang buwan ay normal lang ako na nagratrabaho sa iba't-ibang mapasukan ko para mabuhay tapos ngayon ay malalaman ko na lang na isa pala akong heir ng Wu.
Kahit anong kalikot ko sa isip ko na imposible iyon ay lahat naman kontra---- sa mukha pa lang ni Baba na nakuha ko at sa pinakita nilang DNA Result ay hindi ko na talaga maitatanggi.
Megane's right all this time. Lagi niya akong tinutukso na ampon lang ako dahil hindi ko raw kamukha si nanay at tatay, sinong mag-aakala na totoo iyon?
Ayon sa kwento sa akin ni nanay ay nakita lang ako nila ni tatay na mag-isa sa gitna ng gabi na naglalakad, ayon 'yong araw na nawala ako noong 4 years old pa lang ako. Sa pagkukuwento naman ni mama, 'yong tunay kong magulang ay nandito daw kami sa Pilipinas para sa Business Meeting tungkol sa ipapagawa nilang Hospital dito---- tulad ng maraming kwento, namamasyal lang kami nang magkasama pagkatapos ay bigla na lang ako nawala.
Ang sabi ni nanay ay hindi ako umiiyak noong natagpuan nila ako, hindi rin raw ako nagsasalita. Noong pumunta din daw kami sa Police Station ay wala naman raw naghahanap sa akin, sa Manila kasi ako nawala at hindi ko alam kung paano ako napadpad sa probinsiya namin ngayon.
Nilunok ko ang natutuyo ko ng laway bago nagsalitang muli "Ma, isang buwan ka na ring nandito, hindi mo naman ako kailangang bantayan, hindi naman ako tatakbo tatawagan kita kapag nakapag-desisyon na ako, alam kong marami ka ng naiiwanan na trabaho." Nahahalata ko iyon dahil simula ng magpaiwan siya kay Baba at Cherry--- na nagiisa kong 'tunay' na kapatid ay halos minu-minuto na lang ay may tumatawag sa kanya at may problema.
Si mama lang ang marunong magsalita ng tagalog sa kanilang tatlo, si Baba ay hindi masyadong nagsasalita noong nandito sila, ganoon rin si Cherry kaya hindi ko talaga maramdaman na gusto nila akong kuhain ulit ngayon--- Matanda na ako. Mahirap na mabago iyong pamumuhay ko, 23 years ko na itong nakagawian, hindi madaling magbago.
"Jax, we really need your decision now. Sobrang laking kompanya ang hahawakan mo, bawat oras ay nasasayang imbis na nag-aaral ka na ngayon kung paano iyon patakbuhin. You're also a High School graduate only right? Your Baba already hire the smartest professors in the world to teach you back in China." Sa bawat salita ni mama ay alam kong planadong-planado na talaga nila iyong magiging buhay ko.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016