It's been exactly a week since my vacation 'daw' pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong ginagawa. Sa bahay pa rin ako tumitira dahil kay Alisha, ilang beses kong inisip na pumunta ibang bansa, somewhere cold, 'yung kasing lamig ng puso niya para maamanhid ako. But it's just not possible... I don't want to go anywhere without Alisha again.
Pokus na pokus ako sa pagiging 'mommy' ko for her sa unang beses. Tuwing umaga ay magluluto ako ng breakfast namin na ni-research ko the night before, I know na laging epic fail iyong mga gawa ko dahil nalalasahan ko rin naman but mum and Alisha isn't complaining kaya I keep on cooking, for lunch and dinner naman ay may nagluluto for us.
"You need anything Ms. Arselo?" Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakatingin ko sa puting pader ng classroom nila Alisha.
Nginitian ko ang may makapal na salaming Principal ng school ni Alisha at umiling. "Just waiting for Alisha."
"Pansin ko na these days ay sobrang supportive mo kay Alisha 'a? Noong nakaraang buwan lang ay walang uma-attend sa Parent's meeting no'ng bata."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya at tumango. "I'm usually not in the country po kasi, mum is probably busy too 'coz she's handling all my projects and such." Ang Principal naman ang tumango.
"I still can't believe that I'm seeing you in real life Megane, you are truly beautiful! Personally, you are one of my favorite model!" Sabay tawa nito kaya napatawa na rin ako.
"Seriously? You're into that kind of thing?"
"Biro lang iyon ija, wala akong alam sa ginagawa mo pero alam ko kung gaano ka kasikat international, it's a pleasure to talk to you, if you need anything na'sa office lang ako." Sabay paalam nito at lakad palayo.
Bored.
I'm so bored.
*****
I don't know what time is it right now but I know one thing and that I've been here in my bed for hours, just laying down while thinking, thinking a lot of things.
Sa totoo lang ay nalulunod na ako sa mga iniisip ko, tingin ko nga ay mababaliw na ako.
That's why finally decided to get up and search my closet, just for something comfortable. I picked a white plain tee-shirt and blue jeans, sinuklay ko ang medyo magulo kong buhok at nag-spray lang ng favorite kong Limited edition na Estee Lauder Frog Solid Fragrance.
I didn't put any make-up on. It's dark anyways, who cares. Kinuha ko lang ang maliit kong bag na nakita ko sa closet at nilagay doon ang cellphone at wallet ko.
Tahimik akong naglakad papalabas ng pintuan namin at ng sa wakas ay nakalabas na ako ay mabilis akong tumakbo papunta sa gate, nagpakuha ako ng Cab sa Guard na nakita ko at next thing I know ay na'sa tapat na ako ng isang bukas na cofee shop.
Aton's Coffee and Sweet.
I cringe at the name of the shop pero 'di ko na lang iyon pinansin, as if may choice pa akong mamili ng coffee shop? Eto na ang pinakamalapit na bukas.
It's a decent coffee shop naman, nang pumasok ako ay nakita ko ang iilang tao na nandoon. May couple sa sulok na naguusap, may isang college student na nakatulog sa papel niya at iilan pang mga tao na may kanya-kanyang ginagawa.
Dumiretso na ako sa counter at nginitian ang babaeng nandoon, mukhang nakilala niya ako dahil sa pagkagulat nito pero parang 'di niya na lang iyon tinuloy dahil hindi siya nagsalita. She's probably thinking na hindi naman pupunta dito ang isang Megane Arselo kaya binura niya na lang iyon sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016