"Thank you Megane for everything! Basta let's keep in touch na lang 'a?" Sabay beso sa'kin ni Ari, nakita ko rin ang asawa nitong ngumiti sa tabi niya. Pagkatapos no'n ay tumalikod na sila papasok sa sasakyan nila.
Yes, succesful ang pagtulong ko kay Ari, noong nakaraang araw ko nakausap ang asawa niya at doon ko sinabi ang kalagayan ni Ari. I'm pretty sure that her husband doesn't know anything about her condition-- about Ari being pregnant because I saw shock registered on his face when I told him about it.
I don't know how he treats Ari before but I know something has changed and it's a good thing.
Nag-wave ako kay Ari ng makapasok na ito sa sasakyan, ganun din siya sa akin.
"Megane, halika na!" Rinig kong sigaw ni Chia sa loob ng isang sasakyan ng mawala na ang kotse nila Ari, I know she's annoyed kasi may photo shoot ako ng mga damit for this season at medyo napatagal pa kami ni Ari sa paguusap.
"Coming!" Sigaw ko rin habang lumalapit na sa sasakyan kung nasaan si Chia.
Nang makasakay na ako sa loob ay awtomatikong umandar na ang sasakyan.
"Sino na naman 'yung kausap mo kanina?" Tanong ni Chia na hindi man lang ako tinitignan, tinignan ko ang pinagkakaabalahan niya sa cellphone niya, flappy bird.
Itinaas ko ang isa kong kilay "Ew, flappy bird that's so 2014." Asar ko sa kanya pero bigla na lang ako nitong pinaghahampas.
"Gago ka! Putris! Namatay tuloy, Megane!" Sandali akong nagulat sa agresibo nitong reaksiyon pero kalaunan ay natawa na lang ako.
"Sino nga ba kasi 'yung kausap mo kanina!?" Iritado niya ng tanong at itinago na ang cellphone niya sa loob ng bag niya.
"Wala."
"Whatever." Sabi niya at wala na sa'ming nagsalita hanggang sa huminto na lang ang sasakyan sa isang mansion.
"Sa'n 'to?" Tanong ko kay Chia ng makababa na kami.
"Basta, sumunod ka na lang sa'kin." Ang tanging sagot ni Chia.
Tinignan ko ang malaking mansion, it's very European style at mahaba ang grass area nito papunta sa mismong mansion. Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makapasok kami sa loob.
Ginawa ko naman ang sinabi ni Chia na sundan lang siya hanggang sa umakyat kami sa grand stair case at pumasok sa pinakamalapit na pinto sa second floor. Punong-puno ng make-up ang lugar, sigurado akong ito ang make-up room kung saan inaayusan ang mga models.
Walang masyadong tao, ako lang,si Chia at ang dalawa pang ibang models. Nang may pumasok sa loob ay agad 'yun kinausap ni Chia, sandali lang sila nagusap at nilapitan na ako ng babae na kanina lang ay kausap ni Chia. Nagpakilala siya sandali bilang make-up artist at sinumulan na akong ayusan.
Habang tumatagal ay napapansin kong rumarami na rin ang mga tao at napupuno na ang kwarto. 'Yung iba ay namumukhaan ko na model din ng sikat na desginer na 'to since last season dahil naka-trabaho ko na sila. May mga models rin akong hindi namumukhaan, I guess they're new.
Nang matapos na akong ayusan ay lumabas na kami ni Chia sa kwarto at sinabi nitong sa rooftop daw kami, habang naglalakad papunta doon ay may mga ilan akong kakilalang models, kaya paminsan-minsan ay humihinto kami upang bumati.
"I feel so small." Mahinang bulong ni Chia dahil kahit saang sulok kami tumingin ay napapalibutan kami ng mga matatangkad na models.
Nang makarating na kami sa rooftop ay may kinausap na naman si Chia na photographer at ng matapos na sila ay pinapwesto na ako ng photographer sa may gilid kung saan tanaw ang siyudad. Maganda ang tanawin kaya ilang segundo akong napatingin do'n bago tuluyang kumilos.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016
![Toxic Love [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/71532709-64-k796812.jpg)