Tanging ang mapahawak na lamang sa punong na'sa harapan ko ang nagawa ko.
Gusto kong gumalaw, gusto kong magsalita, magtanong kung tama ba ang narinig ko pero paano?
Paano kung tila estatwa na ako ngayon na hindi magalaw maski ang bibig ko man lang?
Tulala pa rin ako ng makaramdam na ako ng pagod kaya naupo na muna ako sa kinatatayuan kong damo, hindi ko alam kung marumi o basa 'yon, wala akong paki at walang oras para isipin pa 'yon.
Wala sa dorm si Megane. Ayon pa lang ay kakaiba na, imposibleng wala siya doon kung nag-aaral siya. Madalas kahit isa sa isang linggo ay makikita ko siya sa social media dahil sa brand na in-endorse niya o kung ano mang chismis na walang katotohanan, pero nitong apat na buwan ay kataka-takang wala akong naririnig tungkol sa kanya.
Isa 'yon sa rason kung bakit ako sobrang nag-aalala sa kanya.
Dahil doon ay hindi ko maiwasang mag-isip na baka hindi niya na sinusunod 'yong mommy niya dahil sigurado akong napipilitan lang si Megane na makipag-hiwalay sa'kin dahil sa kanya.
Napatakip ako sa mukha ko sa lahat ng napagtanto ko.
Lahat ng iyon ay sumasang-ayon na buntis nga siya! May sinabi pa ang mommy niya na 'baka' may makakita sa kanya! Kompirmadong tinatago nga siya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at siyaka pa lang tila nabalik sa reyalidad ng maramdaman ko iyong luha ko na umagos na pala sa mukha ko.
Mabilis ko iyong pinunasan at tumayo na. Habang nakatingin ako sa malaking bahay nila ay hindi ko mapigilan ang maraming tanong na dumadaloy sa isipan ko.
Kamusta kaya siya?
Nakakayanan niya pa kaya? Bakit hindi niya sa akin sinasabi?
Pumikit ako sandali upang pakalmahin ang sarili ko. Gusto kong tumakbo sa may pintuan nila at kumatok upang masagot iyong lahat ng tanong ko pero alam kong hindi ayon matalinong galaw. Pagkakita pa lang sa akin ng mommy niya ay baka tumawag agad iyon ng Police para ipakulong ako dahil sa tress-passing at kung ano pang balak niyang ikaso para tumagal ako sa kulungan.
Kailangan ako ni Megane, pati ng bata na dinadala niya.
Hindi ko siya bibiguin, hindi ko sila bibiguin.
*****
Kapag ba tinanggap ko na iyong matagal na alok ni mama at baba ay matatanggap na ako ng mommy ni Megane?
Hahayaan niya na ba kami kapag alam niyang may ipagmamalaki na ako?
Ayon 'yong mga tanong na bumabagabag sa isipan ko nitong mga nakaraang araw na wala akong ginagawa, kundi ang mag-isip ng mag-isip at alam kong bawat oras na nasasayang ay mas nahihirapan si Megane.
Kailangan ko siyang kausapin.
Kailangan naming magkaroon ulit ng koneksyon.
Pero paano? Paano kung tila kontra ang lahat?
Napakagat ako ng madiin sa ibabang labi ko ng makita ang mommy ni Megane na lumalabas ngayon sa gate ng bahay nila, alam ko sa looban ko na kung hindi ako kikilos ngayon ay magsisisi ako kaya kahit sobrang rami pang pagdududa sa isipan ko ay lumabas na ako mula sa tinataguan kong puno.
Hindi ako nakikita ng mommy ni Megane mula sa kinalabasan ko kaya tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na tinawid iyong mahabang pagitan namin, nang sa wakas ay sapat na para magkarinigan kami ay bigla niya akong hinarap.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016