THIS IS THE LAST CHAPTER.
Hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong si Jax ng tungkol sa'amin.
I don't want to hear his answer.
Ayokong paniwalaan ang magiging sagot niya.
Paano?
Paanong sa ilang sandali lang ang bagong simula dapat namin namin ay biglang naging wakas?
Kahit na alam kong imposible nang tumigil ang mga luha na naguunahang mahulog sa dalawang mata ko ay pumikit pa rin ako, pumikit ako ng madiin na madiin. As if 'yong pagsara ko ng mata ko ay makakatulong sa pagtigil ng mga luha ko.
Failed.
Syempre, hindi nangyari iyong ginusto ko. Palpak, tulad ko.
Itinaas ko ang paningin ko kapantay ng dalawang itim na mata ni Jax na sinusuri ako ngayon, tulad ng dati, walang ekpresyon ang mukha niya, wala akong makita kahit na galit na madalas ay nakikita ko sa mukha niya.
Anong iniisip niya?
Ano na?
Madiin kong kinagat ang ibabang labi ko at tinakpan ng isa kong kamay ang bibig ko dahil sa ingay na nagmumula sa pagiyak ko. Gusto kong magsalita... gusto ko siyang kausapin pero ayaw kong marinig iyong boses niya.
Ayoko na uling masaktan sa mga salita na maari niyang sabihin.
Ayoko na nang katotohanan na kayang-kaya niyang itago 'yong nararamdaman niya tuwing magkaharap kami samantalang ako... lagi na lang umiiyak, lagi na lang talunan. Kahit iyong kakaunting sakit na binibigay sa'kin ni Jax ay nakakapagpaiyak na sa akin. Bakit ganoon? Bakit siya hindi naman ganoon sa akin?
Ayoko siyang umiyak tulad ko, mas ayokong magalit siya sa akin pero gugustuhin ko iyon kaysa ngayon sa lalaking kaharap ko.
Emotionless.
Parang tanging ako lang ang nasasaktan, nasaan ang emosyon niya? Wala ba siyang paki sa nangyayari sa amin? Paano niya 'yan nagagawa?
Is he just great in acting or he already gave up about us?
Apat....
Apat na kurap mata muna mula kay Jax ang nangyari bago nito tuluyang buksan ang bibig niya. "I can't process all of this Megane." Totoo niyang sabi at sa wakas ay nagpakita na ng nararamdaman niya, pagod. "I don't know what to do... I am just as clueless as you, why? Why'd you have to do that? Why are you always lying? Why do you always find way to break my trust?" Wala akong ibang marinig sa boses niya kundi ang pagod, he's tired of all this, magiging okay kami, magkakaroon ng problema, same cycle, paulit-ulit simula ng muli kaming magtagpo.
Sobra ang pagpipigil ko na hindi pumiyok o umutal sa gitna ng pagiyak ko ng buksan ko na ng labi ko. "I know that what I did was unforgivable." I don't even know how I voice it out without suttering.
Tumayo ako ng diretso kahit ang gusto ko na lang gawin ay humiga sa kama at pagsisihan ang lahat ng nagawa ko. I don't think I can ever look at his eyes again after what happened so I looked at the window... 'yong bintana na kung saan kanina lang ay maganda ang tanawin, bakit tila nagbago na ang lahat?
Malungkot akong napangiti ng mapansin na malakas ang ulan sa labas na akala mo ay nakikisabay sa emosyon ko. I wonder in a month or a year.... tuwing aalalahanin ko 'yung lahat ng pinagsamahan namin, magiging kasing-lamig rin ba iyon ng ulan na nahuhulog sa bintana ngayon? Magiging kasing-dilim ba iyon ng langit ngayon? Maluluha pa rin ba ako na tila walang katapusan tulad ng pagbagsak ng ulan sa lupa?
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016