"Thank you." Emosyonal na sabi ko ksaabay noon ang pagbaba niya ng kanyang ulo upang mahalikan ako sa labi, sandali lang iyon pero punong-puno ng emosyon.
Ayon na lang ang huli kong pagkakaalala sa pag-paparte namin ni Jax sa Airport, noong nakaraang araw lang iyon pero pakiramdam ko ay matagal ng panahon.
"Hoy!" Agaw pansin ni Chia kaya nawala ako sa pagiisip ng mga nangyari sa'min ni Jax sa Bora-Bora. "Aware ka naman 'diba? Kaya 'wag kang umasa kay Jax. I think na-miss ka lang niya tapos ayon, nakuha ka niya ulit for days, tapos na. Ayon lang 'yon Meg, 'wag mong lagyan ng meaning kung ayaw mong masaktan." Seryosong wika niya habang gumagawa ng Apple shake, kung hindi niya pa sinabi 'yong tungkol sa Bora-Bora namin ay aakalain kong hindi talaga iyon nangyari at sa isip ko lang.
"Ilang araw ka nawala. Almost a week, jusko girl 'yung mommy mo makamura sa'kin akala mo tinapon na kita sa ilog! Kailan ka ba uuwi?" Puro na puro na ang ginagawa nitong shake kaya ibinuhos niya ang pitcher sa dalawang basong walang laman, matapos 'yon ay kinuha niya na ang baso at lumapit sa'kin upang ilagay ang isa sa harapan kong mesa.
Kinuha ko iyon at humigop bago sumagot. "Bakit? Bawal ba ako dito muna? May boyfriend ka na ba na pumupunta dito?" Inikot niya ang mata niya sa sagot ko at umupo na sa katapat kong upuan.
"Alisha."
Napaubo ako sa iniinom kong shake sa sinabi nito. "Ew Megane naman 'o!" Arte nitong wika habang pinupunasan ang mga tumalsik sa tee shirt niya.
I completely forgot about Alisha.
I am seriously a bad mother.
"You know what? You're right, kailangan ko na ngang umuwi." Dumiretso ako sa kwarto na guest room ng apartment niya kung saan ako nakikitulog nitong dalawang araw. Inayos ko ang mga nakalabas kong gamit at pinasok na iyon sa luggage bag ko ng biglang magsalita si Chia mula sa pintuan.
"Ayokong sabihin sa'yo 'to noong nakaraang araw kasi kakauwi mo lang, sa unang beses ay ngayon lang kita nakitang ganito kasaya pero Meg... ang dami mong tinakasang schedule your Mom isn't happy about it... same with all the producers na binayaran ka na."
Mabilis na napatingin ako sa mata nito at napakagat na lang sa ibabang labi ko. Sinabunutan ko ng kaunti ang buhok ko at nagtatakang tumingin kay Chia. "Anong gagawin ko?" Muli kong kinagat ang ibabang labi ko. "I'm dead Chia, really dead."
Huminga na lang ito ng malalim at tumalikod na kasabay ang pahabol nitong sigaw. "Not my problem!"
Nang maayos ko na ang lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto at diretsong pumunta kung nasaan nakatambay si Chia, sa kanyang hello kitty na sofa. "Hatid mo ako, wala akong kotse."
"Girl, may cab patawag ka sa Guard sa baba." Wika nito na hindi man lang tumitingin sa'kin dahil naka-pokus siya sa paglalaro ng flappy bird.
"Naglalaro ka pa rin niyan?"
"Tangina!" Nagulat ako sa mura nito lalo na ng bigla siyang tumayo at suntukin ako sa braso. "Namatay tuloy! Bwisit ka! Halika na nga, okay na ba gamit mo?" Iritado nitong tanong.
Hinawakan ko iyong braso na sinaktan niya at tinarayan siya. "Yes, bitch ka."
Hindi malapit ang apartment ni Chia sa bahay namin kaya siguro ay dalawang oras ang tinagal namin sa biyahe ng matanaw ko na iyong malaki pero nakakatakot na bahay namin.
Hindi nakakatakot sa literal na meaning, actually it is beautiful. It's just that it's scary because of the devil living inside the house, my own mother.
"Labas na." Tinignan ko si Chia na nanghihingi ng tulong.
"Jusko, bahala ka. Ayokong madamay sa inyo, labas na. Chupe!" Huminga ako ng malalim bago kuhain ang luggage bag ko sa backseat ng kotse ni Chia.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomantizmOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016