Chapter 25 - Pen Pineapple apple have i

63.8K 853 66
                                    

"A-alisha." Utal-utal kong wika dahil sa pagkokontrol ko na hindi gumaralgal ang boses ko.

Napapikit ako ng mariin ng bigla kong marinig ang hagulgol ni Alisha, isa itong paghihirap para sa akin. Gusto ko siyang yakapin, punasan ang mga luha niya ngunit hindi pwede. Hindi ko kaya. 

"Sssssh." Pagpapatahan ko sa kanya. "Babe, naririnig mo ako? Isang linggo na lang, uuwi na si mama, okay?"

"Ma-----" Bigla na lang nawala ang maliit niyang boses at napalitan ito ng isang boses na pamilyar na pamilyar sa'kin. "Megane" Madilim na wika ng boses sa kabilang linya. "Focus on your work." Eto lang at binaba na ni Mommy.

Nanghihinang napaupo na lamang ako sa sahig. "I don't know what to do Chia.. hindi ko na alam."

Mabilis na lumapit sa puwesto ko si Chia at hinimas ang likod ko. "I'm here Meg, you know that." Malungkot akong ngumiti at tumango.

"I was doing just fine these past 6 years, b-bakit unti-unti na naman akong nasisira simula ng makita ko si Jax?"

"Siguro lumalabas na 'yong lahat ng nararamdaman mo. Iyong lahat ng tinago mo sa loob, kaya 'yan ngayon, sabay-sabay sila nagsisilabasan."

Binigyan ko muli siya ng malungkot na ngiti.

"O siya!" Biglang masigla nitong sigaw at tumayo pa. "Mamaya na 'yan, ang init mo. Magpahinga ka na lang, sa susunod ka na mag-drama girly."

Tumango ako at nahiga na sa kama. Tinakpan ko ang sarili ko ng malambot na kumot pero kahit gaano katagal akong pumikit ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Gumugulo sa isip ko si Jax, ganun ni rin si Alisha. Ang prinsesa ko.

***

"I have a pen, I have an apple! Pineapple pen!"

Nangangamot ulo akong gumising sa ingay.

"Applepen pineapple pen have i have pen apple pineapple pen pen have i have pen pen apple."

"CHIA!" Malakas na sigaw ko at umupo na mula sa kahihiga ko sa kama.

"Nagising ako dahil sa pen apple pineapple mo! Think of it, may sakit na iyong tao tapos pasasakitin mo pa ang ulo ko?" Asar na wika ko pero mabilis iyong nawala ng maramdaman kong biglang kumirot ang ulo ko, kung masakit kagabi ay mas masakit naman ngayon.

"Anyare?" Tanong nito ng mapatigil ako at hawakan ang ulo ko.

"I don---" Hindi na natapos na wika ko dahil mabilis akong napatayo at pumunta sa bathroom ng pakiramdam ko ay may ibubuga ako.

Hindi nga ako nagkakamali, lumabas ang lahat ng kinain ko kagabi sa toilet.

Gross.

Pagod na pagod akong bumalik sa kwarto at umupo sa kama.

"Kadiri." Komento ni Chia kaya tinignan ko ito ng masama.

Ngumiti siya. "Joke lang!" Lumapit ito at tumabi sa tabi ko. "Maligo ka Meg, pupunta tayo sa pinakamalapit na Hospital, kaya mo ba or?" Tanong nito.

"Kaya ko." Bago ako muling tumayo ay tinarayan ko muna siya ngunit wala pa ako malapit sa pinto ng bathroom ay napaupo na agad ako dahil sa biglang pagkahilo na naramdaman ko.

"Oh my god Meg.... hindi kaya't preggy ka ulit kay Jax?"

Tila nakalimutan ko lahat ng sakit sa buong katawan ko at masamang tinignan si Chia. "Huwag na huwag mo 'yang babanggitin, wala man o nandito siya." Seryoso kong sabi.

"I'm sorry okay? I don't know, baka lang kasi---"

"Your mind is so dirty. He hates me and you think we had sex?"

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon