A/N: Una sa lahat, hindi pa ito edited so kung may wrong grammar or typo pagpasensiyahan :) Salamat talaga ng marami sa mga bumabasa, sa naglalagay sa reading list nila lalo na sa mga bumoboto at laging nagcocomment! Kilala ko na kayo. Hehe.
"Saan ka pupunta kuya, ang aga a?" Tanong ni Aton habang pinapakain nito ang mga alaga niyang ibon.
Nagkibit balikat na lang ako dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung para saan talaga ang pupuntahan ko lalo na kung ano ang kailangan sa'kin ng isang lawyer na kilala daw sa buong mundo.
"Sandali lang ako, pasabi na lang kay Nanay." Tumango ito at binuksan na ang gate ng bahay namin, mabilis naman akong tumungo sa truck ko at pinuntahan ang address ng Hotel na nakasulat sa maliit na papel na ibinigay sa'kin ni Mr Gerti kahapon, ang kalahating hapon na amo ko.
Mabilis naman akong nakapunta sa lugar, bagama't hindi pa ako nakakapunta sa malaking Hotel na iyon ay dito ako lumaki at bilang lang ang mga malalaki at magagandang gusali dito sa probinsiya kaya alam ng lahat.
Malaki at kilala ang Hotel kaya ang mga pumapasok lamang dito ay mga taong may pera. Halata rin ang sandaling pagtingin sa'kin ng guard at iilang worker ng pumasok ako, malamang ay dahil sa suot ko.
Hindi ko na lang iyon pinansin at dumiretso sa Front Desk. "Gusto raw akong makita ng taong ito." Diretso kong sabi at ibinaba ang maliit na papel kung nasaan nakasulat ang pangalan at number ng Lawyer na sinasabi ni Mr. Gerti
Tumango ang babae at tinignan ako sandali bago siya mag-pokus sa listahan na na'sa harap niya. Itinuro niya ang upuan na malapit sa'kin at sinabing maari muna akong umupo na ginawa ko naman.
Pinapanood ko lang siya habang nakikipag-usap ito sa telepono ng bigla itong magtanong at tumingin sa'kin "Name sir?"
"Jax Salazar." Tumango ito at inulit ang sinabi ko, nagsalitan pa sila ng iilang salita bago ibaba ng babae ang telepono. "Bababa na lang daw po siya." Tumango ako.
Paniguradong hindi ako ang hinahanap no'ng lawyer na 'yon, mabibigo iyon kapag nakita niya na ako.
Hindi nga nagkakamali ang babae dahil ilang minuto pa lang pagkatapos non ay may isang Chinese na formal ang suot na bumaba. Malaki ang ngiti nito ng ayain ako sa Restaurant ng Hotel.
Nagsabi ito sa waiter ng kanya pagkatapos ay tinignan ako. "Your order?"
"No need." Hindi pa ako kumakain, gutom ako pero wala akong balak na ibayad ang pangisahang linggo ko ng suweldo sa ilang minutong sarap.
"My treat." Agad na tinignan ko ang menu at inorder doon ang halos lahat ng nakita ko.
"You're not really hungry, are you?" Umiling ako at mahinang tumawa.
"You look like him, Jax."
Napahinto ako sa pagtawa at tinignan siya. "Who?"
Umiling ito at awkward na tumawa. "Forget it."
Ngumiti ako sandali. "So am I really the one you're looking for?" Tumango ito at hindi na nagsalita. "And you need something from me?" Dugtong ko.
"Yes but we can talk about it later." Pormal na sagot nito.
"I still have a job sir in 2 hours, I don't have the time." Wow,Jax. Nice one!
Wala talaga akong trabaho ngayun kasi kanina ko pang madaling-araw idineliver ang mga gulay sa bayan, sinabi ko lang iyon para sabihin na ng lawyer ang kailangan niya.
Tumango ito. "Okay then, I'll be straight forward." Ako naman ang tumango.
"Do you ever noticed that you look nothing like your parents, Maria and Leo Salazar?" Pagsilang ko pa lang sa mundo ay puro iyan na ang naririnig ko.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016