Chapter 17 - Bracelet

67.6K 861 59
                                        


Nang magbukas ang elevator ay napalaki ang dalawa kong mata.

It's an old man with a younger girl, naghahalikan sila na para bang sila lang dalawa ang na'sa loob ng elevator, the girl doesn't even look over 18 yet!

What the...

Halata ang awkwardness ng iilang tao na kasabay no'ng dalawa pero mabilis rin namang lumabas na ang dalawa sa elevator kaya inilipat ko na lang ang paningin ko.

People these days.

I thought Jax will come out.

Natawa naman agad ako sa naisip ko.

Jax? Impossible. I'm crazy.

Nang dumating na si Chia ay inaya na ako nito papunta sa room namin.

Sumakay kami sa seperate elevator ng Hotel for V.I.P.

"I'm loving this company Megane, sa airport pa lang bongga na ang ibinibigay nila sa'yo." Excited na gigil ni Chia.

Napahinga na lang ako ng malalim sa sinabi nito. I don't know why but she's annoying me.

"Kill joy!"

Nang tumigil na ang elevator sa Room namin ay lumabas na kami doon at hinanap na agad ang Room Number namin. Mabilis naman namin iyong nahanap dahil may staff kaming kasama.

Mabilis kaming dumiretso ni Chia sa loob, ito ay agad-agad na pumasok sa kwarto at parang natulog. Dahil nakatulog rin naman ako sa Airplane ay hindi ako ganoon inaantok, sandali ko lang inayos ang mga dala kong gamit at umupo sa malaking couch na katapat ang malaking flat screen na T.V

Lipat ako ng lipat ng channel, dahil wala naman akong nagustuhan sa Chinese entertainment ay tinry ko ang iba, napunta ako sa isang Korean Show. I read the title.

'Running Man'

Ang dami kong tawa sa palabas na iyon, ang kwento kasi ay tungkol sa 'Ghost Sister' tila nawala ang lahat ng problema ko sa mundo ng paluin ng isang babae ang parang giraffe na lalaki sa leeg, napalingon tuloy ito at natanggal sa laro.

The show's crazy funny.

"Actually, may natutulog." Wika ni Chia habang palakad na papunta sa'kin, umupo din ito sa couch na inuupuan ko. Nakita kong nanood na rin ito pero mukhang ako lang ang nasisiyahan.

"Naiintindihan mo ba iyan?" Tanong nito, doon ko pa lang na realized na hindi nga pala siya nakakaintindi ng Hangul kaya hindi niya ma gets. I learned Hangul when I was younger. Tho, hindi na ako dire-diretso magsalita no'n ngayun dahil hindi ko naman nagagamit ay naiintindihan ko pa rin ito.

"Yeah, matulog ka na nga. Panoorin mo na lang iyan online kapag may Eng Subs." Ginawa naman ni Chia ang sinabi ko at pumasok na ulit sa kwarto.

Nang matapos na ang palabas ay pinatay ko na ang T.V at tinignan na lang ang mga damit na dala ko. Hindi ako kuntento. Nagmamadali ako kanina kaya hindi ganoon karami at kaganda ang mga nadala ko.

Si Jax kasi...

Biglang nawala ang saya ko a? He's my Death Eater. I quietly laugh at my joke.

Whatever. Enough with Jax na! Trabaho muna ang dapat kong isipin ngayun, I'm here for work anyways, maling-mali na ihalo ko iyon sa Personal Problem ko.

Pero ng tinignan ko ulit ang mga dala kong gamit ay napangiwi ako, hindi talaga ako kuntento. I need something. 

Tinignan ko ang saradong pinto ng kwarto, mahimbing naman siguro ang tulog ni Chia ano?

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon