"Are you excited?" Tanong ni Chia ng makababa na kami ng sasakyan, hinihila niya ako ngayun papunta sa malaking gate kung saan madaming ilaw.
"No, why should I?"
Inikot nito ang mata niya sa akin. "You're boring, really boring." Mahina niyang sabi.
"I'm a Princess Chia, party is not my thing."
"Whatever." Sabay taray niya ulit.
Habang naglalakad ay mahahalata mo pa lang kung gaano kalaki ang bahay na na'sa loob nito, hindi naman sa nakikita ko ko na iyon pero sa laki pa lang ng gate ay may idea na ako kung ano pa kaya ang na'sa loob.
Nang medyo matanaw ko na ang gate ay doon ko pa lang napagtanto na kislap pala ng mga camera ng tiga-media ang nagbibigay liwanag dito.
"Bakit alam ng media?" Bulong ko kay Chia, nagkibit balikat lamang ito. Mabuti na lang at medyo na'sa malayo pa kami at sa madilim na bahagi kaya hindi pa nila kami nakikita.
Nang mapunta na kami sa liwanag ay kanya-kanya ng nagsikuha ng litrato ang mga may hawak ng malalaking camera. Mabuti na lang at na'sa gilid lang sila at hindi naman kami iniipit. I can only say one thing about the host: whoever that person is a HUGE show off, like seriously, ngayun lang ako nakakita ng Party na may mga nakaabang na tiga-media. Is this some kind of Premiere? My gosh.
Imposibleng malalaban nila 'yan unless sinabihan ng host ang media.
"Sino kaya 'yan?" Rinig kong bulong ng isang babaeng nakasalamin na may hawak ng malaking camera.
"Si Megane 'yan! Iyong anak ng former Miss Universe!" Rinig ko na lang na sigaw ng kung sino.
"Megane I'm a huge fan of yours!" Sobrang lakas na sigaw ng babaeng kanina lang ay narinig kong nagtanong kung sino daw ba ako.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napahinto ako. Tinignan ko siya ng diretso pero mabilis din akong nasilaw ng itaas nito ang camera niya at kumuha ng litrato, nagpatuloy na lang ulit kami ni Chia sa paglalakad.
"Megane dito naman! Sa kaliwa, ngiti!" Rinig kong utos ng isang lalaki, kahit naiinis ay ngumiti na lang ako habang nakayuko pa rin upang matakpan ang nakakasilaw nilang mga camera.
Shit, bakit ang dami nila?
"Aba,aba no touching!" Sigaw ni Chia ng may isang lalaking humawak sa braso ko dahilan ng paghinto namin.
Guards, hello, where's the guards!? Seriously!?
Sinigawan sandali ni Chia iyong lalaki pagkatapos ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
"Megane totoo bang kayo na raw no'ong heir ng KMB Entertainment?" Rinig kong tanong ng kung sino, sandaling tumahimik ang lahat dahil sa tanong na iyon at ilang sandali lang ay umingay nanamang muli at lahat sila ay iyon na ang tinatanong.
"Stop, we're here to attend the party!" Rindi na sigaw ni Chia ngunit mukhang walang nakarinig sa kanya dahil mas lalo lang nagkagulo ang mga tao na dahilan ng pagkahinto namin dahil wala na kaming madaanan.
Laking pasasalamat ko na lang ng biglang lumuwag ang daan dahil hinarangan na pala ng mga bouncer ang mga taong ala paparazzi.
"Ma'am, invited ho ba kayo?" Magalang na tanong ng isang malaking katawan na lalaki na mukhang bouncer kay Chia.
Tumango si Chia at inilabas ang cellphone niya pagkatapos ay ipinakita ang invitation doon, tumango ang guard at ginabayan na kami upang makapasok. Habang papasok ay maingay pa rin kahit hindi na kami nalilibutan marami pa rin kasi ang nagtatanong sa'kin.
Habang nakayuko ay pinipilit ko na lang mag-smile tinatakpan ko rin ang mukha ko dahil sa mga kislap ng mga camera nila. Natigil lang iyon ng maayos na kaming makapasok sa loob ng gate.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016