"Mom you're crazy!" Malakas na sigaw ko pagpasok na pagpasok ko pa lang sa office niya. Mabilis niyang inangat ang ulo niya mula sa binabasa niyang mga papeles.
Matapang ang itsura nito habang tinitignan ako.
Napataray na lang ako sa tingin nito, akala niya ba ay gagana pa sa akin 'yan? "Ano ba ang dahilan kung bakit mo biglang gustong tapusin 'yon contract ko sa Wu company!? Mum! Makakasuhan tayo nito kung hindi ka magiging professional!" Walang ginawa ang Wu company para gustuhin kong tapusin ang kontrata, to be honest I can even work with them even without the payment. All because of Jax.
"Ako ang masusunod." Maiksi lamang na wika nito at marahang in-adjust ang salamin niya sa kanyang mata upang magbasa ulit.
"Mum!" Pero wala, parang wala siyang narinig at hindi man lang gumalaw ni unti. "Pinauwi nila ako last week dahil sinabi mong may 'emergency' pero wala naman. May problema ka ba sa kanila?" Umupo ako sa harapan ng desk ni mommy.
"Mum!" Frustrated na wika ko. I sighed heavily at ilang sandali lang ay tumayo na. Napahinto na lang ako sa malamig na boses ni mommy.
"You just want to work with them because of Jax."
Oh.
That's it.
She knows.
I wonder if her ego is hurt? Iyong lalaking minaliit niya dati ay boss ko na, boss na namin kaya ayaw niya akong magtrabaho do'n? She's pathetic.
"And you just want to end the contract because you can't live with the fact that he is all high and successful now." And then I left.
***
"Alisha!" Masayang tawag ko sa baby ko ng pumasok ako sa kwarto nito. Natahimik na lang ako ng mapagtanto kong natutulog na pala siya.
Tumingin ako sa pink na wall clock niya. Na'sa kalagitnaan na rin pala ng gabi.
Pumunta ako sa kama nitong nababalutan ng Barbie sheets. Alisha loves pink and Barbie so much. Tuwing pag-uwi ko galing sa ibang bansa ay hindi ko nalilimutang bilhan ito ng limited edition Barbie dolls kaya naman 'yung kwarto niya ay punong-puno na ng mga binili ko sa kanya.
Sandali kong tinignan ang maamo nitong mukha.
Kamusta na kaya siya?
Matagal-tagal ko na siyang hindi nakita. Si Chia ang laging naghahatid ng mga pasalubong at ginagawa kong gamit kay Alisha.
Sa oras na iyon ay sobrang raming pumapasok sa isip ko. Kasama na ang lahat ng pagkukulang ko pero ayaw kong mag-drama at magising pa si Alisha kaya mabilis akong tumayo at inayos ang mga laruan nitong nagkalat.
Is mum treating my baby well?
Sobrang higpit niya rin ba kay Alisha tulad sa'kin no'ng bata pa ako?
Nasaktan niya na ba ever 'yung anak ko?
Nagtataka na ba ang baby ko kung bakit minsan niya lang makasama ang mommy niya?
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti ng maramdaman kong muntik ng may lumabas sa dalawa kong mata.
Matapos kong maayos ang lahat ng laruan ni Alisha ay titignan ko sana muna siyang muli kung natutulog pa rin pero nakita kong nakaupo na ito sa kama niya at nakatitig sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/71532709-288-k796812.jpg)
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomansOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016