The End

67.2K 762 67
                                    



"Huwag mong gawin sa'kin 'to, maawa ka." Nanginginig pero seryoso kong wika. 

Ipinikit ko ng madiin ang dalawa kong mata at tahimik na nagdasal.

Alam kong napupuno na ngayon ang mukha ko ng luha pero ang tanging tumatakbo lang sa isipan ko ay takot, takot sa kung ano mang magawa niya at pagsisihan niya.

Paano nga ba kami humantong dito?

Noong nakaraan lang, ang saya-saya namin.

Tuwing paggising ko sa isang linggo ay laging siya ang sumasalubong sa mukha ko, bago matulog ay siya rin ang huli kong nakikita. 

Hindi nga ako makapaniwala 'e, masyado bang masaya para maging totoo?

Ang akala ko ay simula na 'yon, simula ng pagbabago ng buhay naming dalawa, kasama ang anak namin pfor the better. 

Oh but how wrong I was? 

"Just simply give her to me. Tapos." Madiin at madilim ang dalawang itim na mata nitong nakatitig sa'kin na binibigkas ang mga salitang iyon.

Bawat salita niya ay parang kutsilyong tumutusok sa puso ko. Diretso, walang pakielam sa kung ano man ang nararamdaman ko.

"H-hindi iyon ganon kasimple." Muli kong sandaling ipinikit ang dalawa kong mata upang tigilan ang mga bagong luha na palabas. "She's my daughter Jax, my life a-alam mo ba kung ano ang hinihingi mo? Y-you don't." Napaupo na ako sa panghihina ko at inilagay ang dalawa kong kamay sa mukha ko upang hindi niya makita kung gaano na ako nasasaktan.

"You're the most selfish person I've ever known Megane. She's not only yours. Alam mo ba ang pakiramdam ko? Ang naramdaman ko ng malaman kong may anak na pala ako ng hindi ko alam? Ni hindi man lang kita nahawakan at nasamahan noong dumaan ka sa pagbubuntis. Sinolo mo lahat, pero 'yun ang gusto mo, sige wala na akong pakielam sa'yo. I will leave you, I will not care for you whatever happens, do what you want. I don't care but Megane Alisha is also my daughter. Give her up peacefully or we'll meet in court. Let that happen and you'll see." Nakaupo at nakatakip pa rin sa mukha ko ang dalawa kong kamay ng marinig ko ang mabibigat nitong hakbang at kinalaunan ay ang pagsara ng pinto.

Oh god.

What will happen now?



*****


Mapait ang ngiti ko habang hawak ang remote control ng T.V at nililipat ang channel. Kahit sa cable ay live ang kasal ni Jax ngayon, kasal niya kay Chloe.

Kailan ba matatapos itong pagdurusa ko?

Hanggang ngayon?

Pinilit kong maglabas ng isa pang ngiti upang kunwari ay masaya ako, kunwari ay hindi ako nalulungkot, kunwari ay nakakangiti pa talaga ako matapos mangyari ang pagkakahiwalay namin ni Alisha--- at ni Jax. Habambuhay.

Nawala lang ang ngiti ko ng makita si Alisha sa malaking T.V

She's really pretty at habang lumalaki siya ay unti-unti ng nawawala ang resemblance niya sa tatay niya at mas nagiging kamukha ko na siya.

Mahinang pinunasan ko na lang ang luhang lumabas na pala sa pisngi ko.

Bakit pa ba ako nanonood nito at pinaparusahan ang sarili ko?

Tumayo na ako mula sa kinakaupuan kong mahabang sofa at dumiretso sa kwarto ko ng marinig ko ang iyak ni Alex. 

Pinatahimik ko ito at pinatulog matapos ay nahiga na ako sa kama. Tinignan ko ang oras sa wall clock at nakitang madaling-araw na rin pala.

Anong oras kaya do'n sa pinagdausan ng kasal nila Jax? 

Nakakatulog kaya si Alisha noong mga unang araw,buwan at taong wala siya saakin? Ngayon? Masaya kaya siya sa tatay niya at kay Chloe?

I closed my eyes harshly at mabilis din 'yong binuksan upang tignan si Alex. 

I smiled at my little sunshine, who's sleeping peacefully.

At least I have him.

I wonder gaano katagal ko rin kaya siya itatago? Gaano rin kaya kasakit ang araw na kukuhain rin siya sa'kin? 

Makakaya ko pa ba?

Malamang ay hindi na.

Ipinikit ko muli ang mata ko at tinangay na ng dilim.




A/N: Alam ko, sige patayin niyo na ko pero oo, this is the ending. Bago mo pala ako patayin basahin mo muna 'yung comment ko -_- 

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon