"Kuya, we need to talk." Hindi ko kita kung sino ang tao na na'sa may pinto dahil sa malaking katawan ni Jax na humaharang dito pero sa boses pa lang ay, sigurado na akong si Cherry iyon. "I discovered something and it's really important." Seryoso ang boses ni Cherry at wala ni kapiranggot na biro ang maririnig mo dito.
Sandaling napatingin sa akin si Jax na para bang nanghihingi ng permiso pero mabilis rin niyang ibinalik ang paningin niya kay Cherry nang magtanong ito. "You are with someone?" Pagtatakang tanong ni Cherry at rinig ko ang paghakbang niya upang siguro ay makita ang kung sino mang kasama ni Jax sa loob pero mabilis rin siyang hinarangan nito, bago pa man siya makasilip.
"None of your business. We can talk about it later."
"But kuya---!" Nakita kong hinawakan na ni Jax ang door knob at mabilis itong sinara pero hindi siya tagumpay ng biglang sumigaw si Cherry sa sakit, paano ba naman kasi ay inilagay niya ang kalahati ng kamay niya sa may pintuan upang 'di iyon masara.
"You don't need to do that Cherry." Seryoso ang wikang sabi ni Jax at pailing-iling na sinuri ang kabuuan ng bisig ng kapatid niya.
"You also do not need to rudely close the door!" Napakagat ako sa bibig ko dahil alam ko namang ayaw papasukin ni Jax ang kapatid niya, dahil siguro, ay alam niyang hindi kami na'sa magandang relasyon.
Unti-unti ay bumaba ako sa malaking kama ni Jax at dahan-dahang lumakad papunta sa may pintuan sakto para makita ako ni Cherry, hindi naman ako nagkamali dahil nangalalaki ang mga mata ni Cherry na itinuro ako, hindi katagalan pati si Jax na kanina ay nakatalikod tinitignan na rin ako ngayon.
"K-kuya?" Pagtataka nito na hindi ko maintindihan ang reaksyon. Gulat na gulat siya at hindi ko alam kung bakit, iyan 'yong tipo ng reaksyon kapag nakakita ang isang tao ng multo. Halata ang pagkawala ng dugo sa katawan nito dahil sa paninigas at pamumuti niya. "W-what is she doing here?" Hindi na siya nakatingin sa akin ngayon kundi kay Jax na mabilis rin akong tinalikuran.
"We're back together sis." Mas lalong bumilog ang dalawang mata nito na akala ko kanina ay wala ng ikabibilog pa.
"B-but... Chloe?" Sa pagtatanong nito ng ganoon ay doon ko pa lang napagtanto na hindi pa alam ni Cherry ang nangyari. Ilang beses pang pumikit-pikit si Cherry na hindi makapaniwala bago nito tuluyang na-kontrol ang emosyon niya "WE need to talk, you and me." Sandali akong tinignan ni Cherry na simbolismo na hindi daw ako dapat kasama.
Huminga ng malalim si Jax. "Talk to me now with Megane or never, you choo--"
Hindi na natapos na salita ni Jax nang putulin ko ito. "It's fine Jax... I'll stay here, I promise I won't leave." I also need time to think how to tell you the truth about Alisha.
"You sure?" Ibinaba ni Jax ng kaunti ang ulo niya upang mabilis akong bigyan ng halik, nang harapin na namin si Cherry ay nangdidiring napailing ito. "Seriously bro, in front of me?" Tinarayan pa ako nito bago siya tuluyang maglakad palayo na sinundan naman ni Jax.
Nang mawala na ang dalawang magkapatid sa paningin ko ay mabilis kong sinara ang pinto at lakad-takbo na napaupo sa kama ni Jax na tila ba nawalan ako bigla ng enerhiya.
I closed my eyes tightly. Fuck. Fuck. Fuck. What to do!?
How should I tell him?
Kung bukas ko na lang kaya sabihin? Sa susunod na araw?
Marahas kong kinagat ang ibaba kong labi. 'No' Mahina kong bulong. Hindi na pwede pang patagalin iyon. I need to tell him now.
Palakad-lakad lang ang ginawa ko sa buong kwarto ni Jax sa punto na nakaramdam na ako ng kaunting hilo kaya napagdesisyunan kong umupo na lamang sa desk area ni Jax na katapat ang isang bintana na tanaw ang labas.... iyong bahay na ito ay hindi na'sa loob ng isang village or anything. Malayo siya sa iba pang kabahayan kaya maganda ang tanawin sa labas.... payapa, tahimik at para kang na'sa taas ng mundo. Dahan-dahan kong binuksan ang bintanang iyon upang madama iyong sariwang hangin habang nakapikit ako.
Kung pwede lang... kung pwede lang sana na habang buhay ay ganito na lang ang nararamdaman ko. Kung pwede lang sana na lagi lang payapa ang buhay, pero hindi... mabilis ko na lang pinunasan ang luha ko bago pa ito mahulog at sinara na ang bintana.
Matapos iyon ay tinignan ko ang wall clock na na'sa itaas ng pintuan ng kwarto ni Jax... It's been half an hour, nasaan na sila?
Ganoon ba katagal ang usapan nila? I don't know... hindi ko na alam kung kailan ko pa masasabi kay Jax iyong tungkol kay Alisha kundi ngayon.
Ngayon mismo. Habang may tapang pa ako na nararamdaman. I don't think makakapaghintay pa ako ng kahit na sandali.
Mabilis akong lumabas ng kwarto ni Jax at binuksan ang lahat ng pintuan na madaanan ko, nagbabakasakali na nandoon silang dalawa sa loob, naguusap.
Pero wala, bigo ako, natapos ko nang buksan ang lahat ng maaring buksan na pinto sa pangalawang palapag pero ni boses nila ay wala akong narinig kaya mabilis na akong bumaba sa grand staircase ng bahay ni Jax.
I don't why pero sa Garden ako dinala ng dalawang paa ko, malaki iyon kaya ilang minuto pa ako naglakad-lakad bago ko makita ang dalawang pigura ng magkapatid na tila nagsasagutan at nag-aaway ayon na rin sa mga kilos nila.
Sandali akong napaupo sa may bench na nakita ko, malayo naman ako sa kanila, sakto lang ang layo ko upang makita sila pero hindi marinig kaya tahimik ko na lang silang pinagmasdan, naghihintay ng pagkalma nila upang makausap ko na si Jax.
I wonder what are they talking about? Gaano kaimportante? May mas iimportante pa kaya sa sasabihin ko ngayon kay Jax?
I sighed deeply.
Mukhang hindi sila matatapos anytime soon.
Muntik na ako mapatakbo palapit ng makita kong tila nahilo si Jax at nilagay nito ang kaliwa niyang ulo sa noo niya at hinilot-hilot ito. Sinubukan siyang hawakan ni Cherry pero iwas ng iwas si Jax hanggang sa mapikon na ito at sigawan ang kapatid niya na hindi ko marinig.
Hindi ako sigurado kung luha iyon dahil sa layo ko, pero parang humahagulgol na ngayon si Cherry at si Jax ay mabibilis ang mga lakad na.... papunta sa akin?
Nang sakto na ang lapit ni Jax upang mahawakan ko siya ay nagsalita ako. "Jax I nee---" Natigil ako ng bigla niya akong tignan ng seryoso, walang emosyon at walang bahid ng pagkakilala.
W-what?
And then.... nilagpasan niya ako.
Hindi pa tuluyang napro-proseso sa utak ko ang lahat ng nangyari, nang biglang sumunod naman si Cherry na naglakad. Hindi ko alam pero nang malapit na siya sa akin ay muli akong nagsalita. "What did you tell him?" Anong sinabi mo sa kanya na nakapagpa-bago sa kanya ng ganoon kabilis?
"Your secret."
Vote and Comments are appreciated by the author. Also, don't forget to follow me~
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016