Chapter 23 - Date?

64.4K 800 46
                                    


"Megane, hindi  pa pala tayo makakauwi agad. Your mum just texted me, siguro ay next next week pa tayo makakauwi, baka bukas na magsisimula ang shooting niyo ng commercial."

"Really?"

"Yeah, tine-text naman niya ako ng schedule, bago matapos ang araw siguro ay nabigay niya na sa'kin." I nod at her. "Anyare? Why do you look so down?"

Umiling ako at nakasimangot na umupo sa mahabang sofa, kinuha ko ang remote na nakapatong sa tapat kong mesa at binuksan ang T.V ng bigla iyong harangan ni Chia. "Sabihin mo nga sa'kin ang nangyari. Nagusap kayo ni Jax ano?" Muli, umiling ako.

"Pede ba?" Naiinis ko siyang tinarayan bago lumipat ng upuan upang mapanood ang isang show na hindi ko naman iniintindi.

"Okay... ayaw mo sabihin 'e. Kapag di ka nga badtrip, ikuwento mo na sa'kin, k?" Hindi ko siya sinagot kaya mukhang sumuko na ito at dumiretso na lang sa kwarto.

Nang mawala si Chia ay pinatay ko na rin ang T.V at yumuko habang iniisip ang nakakahiyang pangyayari kanina.

Fuck, I look pathetic.

Completely pathetic.

Should I just give up now? I mean, he said it, he doesn't love me anymore. I already begged him to give me a chance and it's useless... even tho I still love him it won't work out. 

Hindi gagana ang isang relasyon kung isa lang ang nagmamahal at lumalaban. Pero walang masamang sumubok hindi ba? Hindi ba?

Maaring sinabi niya lang sa'kin 'yung mga masasakit na salita kanina dahil sa emotion niya.... maari 'yun. Pede ring may unti pa siyang nararamdaman sa'kin na kaya ko pang palabasin kung sakaling hindi ako susuko.

Imposible.

Hindi ba imposible na mawala ang matindi niyang nararamdaman sa'kin dati-- completely? I've never experienced that love. Kahit sa magulang ko, iba 'yung pagmamahal namin. Iba 'yung naramdaman ko.

Pero limang taon na rin ang nakalipas, I know I'm being stupid but I'll go with 'Jax still have feelings for me and I'll make him realized it' Completely bullshit but... I'm desperate. 

Susubok ako, walang masama sa pagsubok. I just can't give up easily dahil sa masasakit na salitang nasabi niya. Who knows? Malamang ay nadala lang talaga siya sa emosyon niya.

I fake a smile.

Hindi ako sanay na malungkot. I'm a positive and loving person kaya hindi ko na nakikilala ang sarili ko simula ng bumalik si Jax sa buhay ko--- he's kind of changing me--negatively but without him knowing.

It's crazy.

I wonder, ano pa ang mga magagawa ko sa mga susunod na araw para sa kanya?


***

It's been a week and I've never heard anything about Jax since that scene in the Restaurant. Puro na lang siya ang laman ng isip ko, sa pagtulong ko hanggang sa pagmulat ng dalawa kong mata sa umaga. May plano na akong naiisip but obviously it won't workout without him. Paano iyon mangyayari kung wala naman siya?

Where are you Jax?

"Megane, pinapasabi no'ng director na okay na daw si Cherry. Ikaw na lang ang hinihintay." Hinihingal na wika ni Chia. Tumango ako sa kanya sa may salamin at sinabihan ang lalaking nagma-makeup sa'kin in Mandarin na pakibilisan.

"Bilisan mo Megane, they're waiting." Lumabas na si Chia at ilang minuto lang pagtapos no'n ay natapos na rin ang pagaayos sa'kin. Tumayo na ako at lumabas ng make-up tent. Paglabas na paglabas ko pa lang ay nakita ko na ang malalaking mga ilaw at camera, pati ang mga tumatakbo at busy na staffs.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon