Thank you all very much for 500k reads omggg :) This is my gift for all of you guys~ *Continuation ng Special last chapter 1 ito*
Kahit kailanman ay hindi pumasok sa isip ko ang araw na ito.
Ang araw na magkikita rin si Jax at Alisha, ang mag-ama ko. Kahit na hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ay kaakibat pa rin noon ang lungkot.... lungkot kasi parehas na hindi nararapat sa kanila ang ginawa ko.
They deserved each other pero tinago ko sila sa isa't-isa.
Hindi ko maiwasang umiyak habang karga-karga pa rin ni Jax ngayon ang nagtatakang si Alisha, she keeps on asking me kung anong nangyayari pero hindi ko magawang magsalita kasi... kasi alam kong kung ibubuka ko ang bibig ko ay hikbi lamang ang ilalabas no'n.
"Baby." Ginulo-gulo ni Jax ang buhok ni Alisha at sa wakas ay ibinaba na ito.
"S-sino ka po? B-bakit po kayo naiyak?" May pagtataka pa rin sa mukha ng anak namin.
Jax smiled at her kahit alam kong unting-unti na lang ay tutulo na rin ang papalabas na niyang mga luha. "I am your father Alisha." Maiksi pero diretsong ika ni Jax ngunit napatingin lamang sa'kin si Alisha na para bang naghihintay ito ng pagkumpirma ko.
Nang tumango ako ay biglang lumaki ang dalawa niyang bilugang mata at mabilis na yumakap sa tuhuran ni Jax kung hanggang saan lang siya abot. "B-bakit niyo pa kami iniwan ni mommy?" Nginuso ni Alisha ang maliit nitong bibig kaya umupo na lang si Jax sapat upang magkapantay sila ng mukha. "I didn't... I've always love you." Hinalikan ni Jax ang noo ni Alisha at naluluha nitong muling kinarga ang bata.
"Megane." Nawala ang pokus ko sa mag-ama ko ng tawagin ako ni mommy, hinarap ko siya na na'sa likuran ko, bukas ang dalawang kamay nito kaya niyakap ko siya.
"I am sorry." Paghihingi nito ng tawad na mabilis ko namang tinaggap ko.
*****
6 months later...
Hindi maitatanging madaming proseso at sakit ang pinagdaanan namin ni Jax bago nabuo itong pamilya namin ngayon... it's been really rough but it's all worth it.
Sa Macau ang napili naming siyudad na tirahan. I love Philippines, I would love Alisha and the baby inside me to grow up there pero kasi ayoko ring malayo pa ulit si Alisha sa daddy niya, Macau is where the Wu Company main office is located kaya talagang kailangan si Jax dito. It's fine with me and Alisha naman, she likes it here din... I know hindi madali sa maliit niyang utak na maproseso ang lahat ng pangyayari but I am glad that she's a smart kid.
"My... I have a new fried that I met in the Park yesterday and she is a Filipina too!" Nginitian ko si Alisha at pinatalikod ito dahil tatalian ko ang buhok niya ng tirintas.
"Really? What is she like?" Tanong ko na inaayos pa rin ang buhok niya dahil pupunta kami ngayon sa Office ng daddy niya na isang Building lang naman ang layo sa pent house na tinitirahan namin... ang lugar kasi namin ay na'sa gitna ng siyudad kung nasaan ang mga nagtatayuang gusali.
Honestly para saakin ay hindi ito iyong 'ideal' place ko para sa mga bata but it's fine... nothing is perfect we'll work it out, somehow.
"I think she's as old as you my!"
"Talaga? Paano mo siya naging friend?"
"She looks so sad so I gave her the teddy bear that daddy got for me yesterday." Hinarap ko na sa'kin si Alisha at hinalikan ito sa noo. "It remind me of you kasi 'e... my iyong face mo noong sad ka dati, that's what she looks like yesterday, really really parehas." Kinurot ko sa pisngi si Alisha.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016