Chapter 21 - Lawyer

67.3K 752 7
                                    


A/N: It's been a really stressful and tough week for me, I hope you guys don't experience the same. I feel so useless... Oh gosh, I need to stop. Enjoy reading!!!


"Pare pinapatawag ka daw doon sa may office." Parehas kaming napatingin ni Alan, ang katabi kong katrabahor dito sa factory ng may magsalita.

Napatingin kami ni Alan sa isa't-isa at sabay na itinuro ang aming mga sarili. Umiling si Jayson, 'yong nagtawag at mahinang tumawa. "Ikaw lang Jax."

"Bakit daw pare?" Tanong ko at ibinalik na ang pokus sa makinaryang inaayos ko. "Tangina, kung tatanggalin nila ako, 'di ako pupunta do'n." Mahinang wika ko.

"Balita ko magtatanggal na raw, mga guwapo na lang daw ititira." Biro nito habang naglalakad na papunta sa lugar niya.

"Ulol. Ako nga pinakagwapo dito." Tawa ko at lumabas na.

Hindi malaki ang factory na pinagtra-trabahuhan ko at hindi rin ito nalalayo sa Building kung saan ang Main Office ng kumpanya kaya ilang sandali lang ay nakarating na rin ako doon.

"Pinapatawag daw ako." Paalam ko sa guard upang papasukin ako, tinignan niya lang ako sandali at binuksan na ang Entrance door ng opisina.

Nang makapasok na ako ay dumiretso ako sa kuwarto kung nasaan ang opisina ni Michael, ang factory Manager namin. Hindi na ako kumatok at binuksan na lang ang hindi naman sarado nitong pinto. Kasing edad at kababata ko lang si Michael kaya kahit mas mataas ang posisyon niya sa'kin ay hindi ko pinapansin.

"Problema mo?" Biro ko.

Itinaas nito ang ulo niya galing sa kaninang nakababa sa librong binabasa niya. Tumaas ang isa niyang kilay. "Aba't bakit hindi ka nagtratrabaho?" 

Hindi ko pinansin ang tanong niya ay umupo sa katapat nitong upuan. "Ano nga? Tatanggalin na ba ako? Hindi mo ba kayang kumbinsihin ang mga na'sa itaas na kahit ako lang ay kupkupin?"

"Baliw." Ito lang ang sinabi niya at nag-pokus muli sa librong kanina niyang binabasa no'ng hindi pa ako dumadating.

Magsasalita na sana akong muli ng biglang may mahinang katok kaming narinig. "Bukas 'yan." Wika ni Michael.

Pumasok ang isang lalaking hindi ko kilala, namumukhaan ko itong office worker pero hindi ko alam ang kanyang pangalan. "Si Jax daw." 

Napatingin ako kay Michael na kumunot ang noo. "Anong meron?"

"Pinapatawag sa taas."

"Saan?" Muling tanong ni Michael.

"Mr. Gerti." Iyon lang at sinarado na nang lalaki ang pinto.

"The fuck Jax?" Tuluyan ng ibinababa ni Michael ang kanina niya pang hawak na libro. Binigyan niya ng pansin ang kanyang telepono at pumindot ng numero dito. Ilang sandali lang ay muli siyang nagsalita. "Casey, kailangan ba talaga ni Mr. Gerti si Jax?......Hindi mo rin alam?.....Ganun ba? Sige." Ibinaba na ni Michael ang telepono at ng magsasalita na ako ay inunahan niya na ako.

"Anong ginawa mo?"

Nagkibit balikat ako bilang tugon.

Wala akong ginawa.

Wala akong maalala na ginawa ko para patawagin sa Opisina ng may-ari ng kumpanya.

"Wala kang binasag? Puta kapag nalaman kong naglasing ka ulit dahil kay Megan---" Napahinto ito bigla ng tumayo ako at talikuran siya. "S-sorry pre... nabigla lang." Hinarap ko siya at seryosong tumango. "Uh," Kumamot ito sa kanyang batok at hindi na masalo ang paningin ko. "Pinapatawag ka na daw." Nagsimula na akong maglakad palabas at sumakay sa elevator hanggang sa lumabas ako ng makarating na sa pinakataas na palapag.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon