"Jax!?" Sigaw iyon ng isang babaeng hindi pamilyar sa'kin ang boses.
Napahinto si Jax sa ginagawa niya at mabilis na tumakbo pababa ng mapagtanto niya kung sino iyong tumatawag.
Sumunod naman ako sa kanya at ng tuluyan na kaming makababa ay hindi ko maiwasang iikot ang dalawa kong mata sa nakita ko.
Cherry.
My biggest competitor in Modeling Industry, tho these days ay siya ang pinapaburan ng Market. I still believe I am more talented than her tho, she's just a rich girl with a pretty face na hindi naman outstanding, there are a lot of pretty girls in the world but you need to have that 'charm' to be in top, and obviously Cherry doesn't have that. Siguro ay nagbabayad lang sila upang kuhain siya ng companies imbis na siya ang bayaran.
Napakagat ako ng labi sa masamang inisip ko. I am not normally like this.
Hindi ko lang talaga gusto si Cherry, doon pa lang sa party na kasama niya si Chloe at sa incident namin a few months ago sa isang Jewelry shop, she's a brat!
Matapos ko makitang muli si Jax bilang President ay nag-search ako, akala ko ay wala na akong ikakagulat pa sa balitang anak siya ng isang 'Wu' pero nagkakamali ako, nalaman ko rin na kapatid niya si Cherry.
Sa rami ng pede niyang maging kapatid bakit si Chloe pa, hindi ba?
"Sorry, my flight was delayed." Maarteng wika ni Cherry at inikot ang mata sa buong lugar, "You serious brother? You'll let me sleep in this place?" Halata ang pagbabago sa mukha ni Jax ng laitin nito ang bahay na kinalakhan niya. "Sorry." Wala sa pusong paumanhin ni Cherry.
Maglalakad na sana ito upang ikutin 'yong bahay ng mapansin ako. "Oh, hello there." Tila nagulat niyang wika.
"Hey." Balik kong bati.
I can't even stand Chloe tapos may Cherry pa? What the fuck.
Nang biglang magbukas iyong pinto ay parehas kaming tatlo napatingin sa kung sino ang mga pumapasok, guards? There are total of 3 huge men and 2 girls na pinapasok ngayon iyong malalaking luggage na dala malamang ni Cherry.
"What the Fuck Cherry? I told you to come here alone." Matigas na wika ni Jax.
"You know I can't do that kuya." Sagot ng kapatid niya.
Napataray na lang ako sa kawalan at umakyat na ng hindi nila napapansin, wala akong balak makinig sa away ng pamilya, honestly.
Sa loob ng kwarto ko ay tinawagan ko si mommy upang makausap kong muli si Alisha.
"Mommy!" Masayang bati ni Alisha sa kabilang linya.
"Hey, baby." Medyo pagod na wika ko.
"Mommy something wrong po?" Pansin niya.
Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "I don't know baby, I guess I am just mentally tired. I want to hug you baby." I want to go home, away from your father and his hurtful words.
"Baby huh?" Nagulat ako at muntik ng mapatalon ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Jax, mabilis kong tinapos ang tawag at tinignan si Jax na nakatayo na ngayon may pintuan ng kwarto ko.
"Sino'yang baby mo?" Biglang tumibok ng malakas ang puso ko sa tanong niya habang siya naman ay pumapasok na papasok sa kwarto ko, umupo siya sa kabilang parte kung nasaan iyong isang bakanteng kama.
"N-no one."
"Why are you so shocked?" Kumunot ang noo nito.
Umiling ako. "Why are you so nosy?" Natawa siya sa sinabi ko at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016