Chapter 6 - My Jax

103K 1.2K 73
                                    


Naisagawa naman namin ni Kiaz ang pagpapakilala at pagrampa kaya nandito na kami ngayun sa backstage, naghihintay ng susunod na tawag.

Muling inaayos ni Chia ang buhok ko dahil itataas niya raw ito for the next event.

"You ready, Megane?" Tanong ng babaeng nag-aayos ng buhok ko, si Chia tinignan niya ako sa malaking salamin kaya nginitian ko siya bago ako magsalita.

"I'm always ready."

"That's good." Komento niya at ipinagpatuloy na ang pagaayos ng buhok ko ng bigla kaming makarinig ng ingay galing sa labas ng kwarto.

"Megane, baka magsisimula na. Titignan ko lang kung ano na ang nangyayari, hintayin mo na lang ako dito." Sabi pa nito at bago umalis ay tinapos muna ang medyo magulo ko pang buhok.

Nang umalis na siya ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nag-practice ng ngiti.

"Good Megane, good." Papuri ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng maistorbo muli ako ng may narinig na naman akong ingay kaya napag-desisyunan kong silipin na ang labas dahil wala naman na akong ibang kasama sa kwarto ngayun.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ay may nakita akong isang lalaki na mukhang natataranta pero may malaking tag ito sa harap niya na "STAFF" kaya tinagilid ko na lang ang ulo ko sa gilid at doon ay may nakita akong lalaking nakatalikod na naglalakad palayo.

Napakagat ako ng labi ng maalala ko si Jax sa kanya, parehas na parehas sila ng kawatan. Pumikit ako, nababaliw na ata ako.  Tatalikod na sana ako upang muling umupo  sa tool ng makita kong lumiko ang lalaki palabas sa "EXIT" door dahilan upang makita ko ang gilid ng mukha niya.

Awtomatikong lumakas ang tibok ng puso ko "J-jax?" Sa lakas ay parang iyon na lang ang tanging naririnig ko, parang naging yelo ako at hindi makagalaw, maski ipikit ang mata ko ay hindi ko na magawa. Tulalang napatingin lang ako sa lalaki hanggang makalabas na ito.

Doon ay nagising na ako sa realidad. 

Si Jax ba talaga iyon? Habulin ko ba siya upang makasigurado?

Pero kung siya nga? Ano naman? 

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Huwag kang tanga Megane, alam mong kahit siya iyon ay walang magababago. Masyado kang takot para may magbago. 

What do I do?

I want too see him at least just this once. It's been so long, a year maybe? yeah, it's been a year since I broke his heart.

Nang makapagdesisyon na ako na sundan iyong lalaki ay mabilis na akong naglakad sa nilakad niya pero ng makita ko na sa harap ko ang "EXIT" door ay tila nagdalawang isip pa ako.

Maaring may mga tao at hindi ko alam ang iisipin nila kapag makikita nila ako.

"For Jax." Bulong ko sa hangin at pumikit pa ng mariin bago tuluyang buksan ang pintuan.

Dahan-dahan akong lumabas pero pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa labas ay nagulat na ako ng bigla akong makarinig ng mga sigawan , fuck hindi pala emergency exit ang pintuang iyon! Ngayun ay  kitang-kita na ako ng mga estudyante na na'sa side ng pintuang nilabasan ko! Nang bigla na lang akong hinarangan ng mga bouncer ay doon ko napagtanto na may nagsisihagisan na pala sa'kin ng mga teddy bear at.... condom. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko ng marinig ko ang palakas na palakas na sigaw, malamang ay nakaabot na sa ibang mga nanonood na lumabas ako... how stupid of me.

Nang makapasok na kami ay hindi ko na pinansin ang ibang mga nagtatanong kung okay lang daw ba ako at ba't daw ako lumabas. Diretso akong naglakad sa kwarto ko.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon