A/N: Hello guys, from now on once a week na lang ako magu-update :) *SUNDAY* Pansin ko kasi na laging sabog update ko kapag Wednesday kasi pinipilit ko sarili ko so, napagisipan kong hindi ba mas maganda na once a week na lang pero worth it 'yung laman? 'Di ba? :) Promise, hahabaan ko talaga lagi 'yung update. Anyways, Simula sa chapter na 'to mag-dedicate na ako sa mga kakilala kong reader ^^ Lalo na 'yong mga nagco-comment at vote. Kilala ko lahat ng username niyo! SALAMAT :D
How can I forget that?
Napataray na lang ako sa kawalan at humarap na papunta sa Jewelry Store na tahimik na humihiling na sana wala na do'n si Cherry. She annoys me so much, more than Chia. She's a bully.
I hate bullies.
Mabuti na lang ng pagpasok ko sa Store ay wala na nga do'n si Cherry. Sandaling nagulat 'yung babaeng sumusunod sa'kin kanina pero mabilis rin itong ngumiti. Sinundan na naman ako nito papalapit sa counter.
Dumiretso agad ako sa counter kung saan ay tingin ko nailapag ko ang bracelet pero ng makalapit na ako doon ay wala naman akong nakita na kahit na anong nakalagay sa doon.
Maybe tinago ng worker? Para kung balikan ko ay nandito pa? Tinignan ko ang babaeng na'sa counter at nginitian siya. Sa mata ay tinanong ko rin kung nakita niya nga ba ang bracelet na nabayaran ko na.
Nagulat naman siya sa biglang pagbigay ko ng pansin sa kanya. "M-ma'am?"
"Have you seen the bracelet that I just bought?"
"N-no ma'am." Nahihiyang sabi nito at tinalikuran na ako pagkatapos ay may kinausap siyang isa pang worker ng Jewelry Shop na papasok sa staff's room only, iyong lalaking kinausap niya ay pansin kong patingin-tingin sa'kin. Matapos nilang mag-usap ay nilapitan ako ng lalaking kinausap ng tinanungan ko.
"Can I help you, ma'am?" Magalang na tanong nito.
"I left the bracelet that I just bought can you find it for me?" Tanong ko at tumango naman siya bilang tugon, kinausap niya pa ang iilang worker rin na nandoon at sabay-sabay na silang naghanap.
Ako naman ay nakatayo lang at nagmamasid lang habang naghahanap sila. Sa kawalan ng magawa ay kinuha ko na lang ang Cellphone ko at binuksan ito ng may makita akong isang nag-text. Napailing ako ng mabasa kong kay Chia galing iyon.
For sure alam niya na ngayun na nawawala ako. Anong idadahilan ko? Hindi ako non titigilan. Binasa ko ang text.
'Megane where are you? Kapag nalaman kong may ginawa kang kabaliwan lagot ka sa'kin, isusumbong kita sa Mommy mo! Dapat 30 minutes from now ay nandito ka na!'
Mag re-reply na sana ako ng biglang may isang worker na nagsalita sa likod ko. "Ma'am can you wait for a bit? We're going to check it in the CCTV Room. " Napataray na lang ako sa sinabi niya, wala ng oras.
"I can't for now but I'll be back later this week." Hindi ko na hinintay ang sagot nito at nagmamadali ng lumabas sa shop, how funny, nag-shopping ako upang makabili ng iilang gamit ngunit kahit isa ay wala naman pala akong maiuuwi.
Mabilis ang lakad ko kaya sandali lang ay na'sa Hotel na agad ako. Sumakay na ako sa elevator at bumaba na sa floor kung nasaan ang kwarto namin.
Kahit na'sa malayo pa lang ako ay kitang-kita ko na si Chia na nagaabang sa labas ng pintuan ng kwarto namin, hawak niya pa ang cellphone niya.
Halatang hindi nito alam na malapit na ako sa kanya dahil problemado pa rin itong nakatitig sa phone niya. "Chia!" Sigaw ko.
Nalipat agad ang tingin niya sa'kin. "Aba, saan ka galing?"
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016