Chapter 29 - Sa langit

66.7K 808 25
                                    


A/N: Birthday ko ngayon so regalo ko na lang 'to sa mga nagbabasa pa rin dito at nagtitiis sa mala-pagong na update! Haha.


Pinakain ko lang si Alisha, kinuwentuhan ito, naglaro kami sandali at pinatulog siya para hindi niya na makita ang pag-alis ko. Alam kong na-trauma na siya sa biglaan kong pagsulpot at pag-alis ng matagal. I  felt really bad for her. 

Si Mommy nang sinilip ko ay ganon pa rin ang pwesto, nakaupo sa may office niya at tulog. Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng office niya at mabilis na umakyat sa kwarto ko. Inilabas ko lang ang Rolling Tacktrunk Bag ko from my old closet at naglagay ng iilang damit doon tulad ng sinabi ni Jax. I don't have any idea where we're going kaya iba-iba ang nilagay ko sa bag. I didn't forget to bring my favorite designer jacket just in case we're going somewhere cold and that's it, I put it in top of my bag.

Muli kong tinignan ang laman ng bag ko at napangiwi. Ito na ang pinakaunti kong na-pack ever. 

I sighed. 

Move on Megane. You're not going to fashion show or something.

Okay, my things are ready. I just need to change my clothes and put some makeup on.

Sandali akong nagpalit ng damit, I just put on a black&white crop top stripe at ipinatong ko doon ang una kong nakitang leather black and white jacket, a simple pants and a black boots. Hindi na'ko naglagay ng iba pang makeup except for foundation and lip tint. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin.

I look okay naman. 

Huminga ako ng malalim at sandaling napaupo sa kama.

Tama ba itong desisyon ko?

How about Alisha? Ano na naman mararamdaman ng kawawa kong anak kapag nakita niyang bigla na naman ulit akong nawala?

God.

Alisha.

This will be the last time Alisha, I promise.

Dumaan ako sa kwarto ni Alisha dala-dala na ang bag ko at pinagmasdan lang ito ng ilang minuto. 

"Mommy loves you baby, take care. Babalik ako sa'yo." Ngumiti ako sa natutulog nitong katawan at tahimik na umalis na ng kwarto niya. 

Tinignan ko muna sa bintana ng bahay namin kung walang tao sa labas dahil sigurado akong kung meron ay bago pa ako makaalis  sasabihin na kay Mommy ang gagawin ko. 

I thanked god when no one's outside.

Mabilis ang kilos na ginawa ko at sumakay sa unang TAXI na nakita ko. Ipinakita ko sa driver ang address na tinext sa'kin kanina ni Jax.

Tumango ang driver. "May isang pasahero na rin po akong binaba diyan dati. Sobrang strict ng security system, sa malapit na establishment ko na lang po kayo maibababa?"

"Really?" I look at his text again, mukhang residential building iyon. "Okay lang po." Sagot ko sa driver. 

Buong biyahe ay kinalikot ko lang ang phone ko, paminsan-minsan naglalaro ng flappy bird, titignan ang gallery ko na punong-puno ng picture ni Alisha at magte-text kay Chia na hindi ko naman magawang i-send hanggang sa ibaba na nga ako ng driver sa pinakamalapit na Cafe ng building na tinutukoy ni Jax. 

Tinignan ko ang pangalan ng cafe na iyon bago pumasok. I texted Jax na nandoon ako sa loob ng cafe na iyon, waiting for him. Hindi siya nag-reply pero makalipas lamang ang ilang minuto ay nakatanggap ako ng text na "I'm outside."

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon