Puti.
Pagkadilat na pagkadilat pa lang ng dalawang mata ko ay bumungad na agad sa akin ang puting kisame at dahil sa biglaang liwanag ay sandali akong napapikit.
Nang muli kong ibukas ay hindi na ganoon kasakit ang liwanag kaya iniikot ko ang paningin ko.
What happened?
Am I in the hospital?
Sa naisip kong 'yon ay agad-agad akong napabangon at mas lalong inobserbahan pa ang paligid, no, I'm not.... isa 'tong kwarto.
I'm sure of it.
Sa hinihigaan ko pa lang ay hindi 'yon 'yung tipong ginagamit sa mga Hospitals, sa laki pa lang nito na kayang magkasya ang tatlong malalaking tao ay alam ko agad na imposibleng Hopsital bed 'yon.
Napasapo ako ng ulo.
I seriously can't remember.
Nasaan ba ako?
"Babe." Agad-agad ay iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasapo dito at hinanap ang pinaggalingan ng boses. Muntik ng mahulog ang puso ko sa nakita ko sa may pintuan.
Jax.
Tila nabingi ako at tanging 'yong biglang paglakas na lamang ng puso ko ang naririnig ko. I know it's forbidden..... but he's dangerously hot as fuck!
He's just wearing a freaking pants and basic blue tee-shirt pero bakit pakiramdam ko bigla akong nanginit at parang magkakasakit?
Masyado pa akong gulat para makabuo ng salita na napansin naman agad ni Jax kaya inunahan niya na ako. "You okay?" Tanging ang pagtango na lang ang nagawa ko. "I brought you some food." Muli, tango lang ang tanging sagot ko dito.
Habang lumalapit siya ay hindi ko maiwasang pansinin ang buong pisikal niya, how can he be human? He's too perfect to be real.... sa suot niyang pantalon at fitted shirt ay halos mapanganga na ako, it's simple yet.... so hot.
Oh my god.
I need to control my hormone.
Tapos na kami at kailangan kong laging tandaan iyon. Hindi na nga dapat kami nagkikita pang muli tulad ng ngayon.
"Bakit ako nandito?" Sa wakas, naisatinig ko na rin ang kanina ko pang ikinatataka ng tuluyan na siyang makalapit sa may paanang bahagi ng kama. Hindi siya agad sumagot at ipinatong lang ang dala niyang tray sa may bed-side table.
"You passed out. Sinalo kita just like before."
Napangiti ako sa sinabi niya at tila bumalik ang lahat ng nangyari kahapon... right, tumakbo ako dahil nakita ko si Cherry... pero ngayon na'sa harap ko si Jax na dapat ay mas katakutatan ko dahil alam kong siya ang may kapangyarihan na maghiwalay sa'min Alisha, pero bakit wala akong takot na nararamdaman ngayon?
"You've always been my hero." Inilagay ko ang isa kong kamay sa may pisngi niya at tinignan siya ng mas mabuti, nang mas malapitan. Unti-unti ay ibinaba ko ang paningin ko pero bago iyon ay hinawakan ko muna ng dalawa kong hinlalaki ang kilay niya, pababa sa ilong at sa wakas sa labi --- na tila ba mawawala na siya at kinakabisado ko ang kabuuan ng mukha niya.
I know... I know na mali 'yong gusto kong gawin, actually, gusto ko ring pigilan ang sarili ko pero hindi iyon nagwagi. Ipinikit ko ang dalawa kong mata at mas inilapit ang bibig ko sa kanya, para na akong mababaliw ng sa wakas ay magdikit na ang mga labi namin, noong una ay hindi iyon gumagalaw. Magkadikit lang, pero ilang segundo pa ang lumipas ng maramdaman kong parang nagising na siya at sinimulan ng gumalaw.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016