TIMELINE: Markie is already born in this scene.
"Babe?" Tawag ko habang katabi ko ang asawa ko at pinapakiramdaman kung gising pa ba ito. I don't even know what time is it right now pero ito 'yong oras na natutulog na ang mga tao kaya ngayon ay nakahiga na kami sa kama habang ako ay nakapatong lamang ang ulo sa matigas na dibdib ni Jax.
Kakauwi lamang nito at alam kong pagod na siya sa mga ginawa niya ngayong araw.
"Uhm?" Ungol nito na tila tinatangay na ng antok.
"Are we .. really going to live our whole life here in Macau? Don't you want to go back to our coutry?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang magiging reaksiyon nito...I've been actually asking him that same question since we arrived here but he always has his ways to avoid it.
"Megane...akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" Biglang gising na ang boses ni Jax at nararamdaman kong ganoon rin pati ang diwa niya dahil sa unting paggalaw niya ng kanyang katawan.
"Markie is turning 3 years old soon and he don't even know a single Filipino word." Napapikit na lang ako ng dalawang mata na akala mo ay kung gagawin ko 'yon maiiwasan ko ang sinimulan kong confrontation.
"It's still not late for him to learn." Ika nito na nakapagpaikot ng dalawang mata ko.
"Okay." Umalis na ako sa pagkakahiga ng ulo ko sa dibdib ni Jax at umupo na lang sa gilid ng kama. "I'll be honest na Jax. I want to go back home...kasama sila at kung ikaw? Gusto mo dito? Fine."
Naupo na si Jax sa kama tulad ko at nakita ko ang frustration nito sa pagpikit niya ng madiin sa dalawang mata niya. "Are you serious?"
Napakagat ako ng ibabang labi dahil hindi niya naman iyon nakikita. "I am."
"Paano ako?" Binuksan niya na ang dalawang mata niya at tinignan ako nang punong-puno ng emosyon sa puntong tila sandali kong pinagsisihan kung bakit ko pa ba sinimulan ang usapang ito.
"I--I...ewan." Ako na ang bumali ng pagtitinginan namin at tinignan na lamang ang mga paa ko. "Ewan ko."
"Why?"
"Anong why?" Tanong ko.
Hindi niya ba nahahalata? 'E paano... lagi naman siya umiiwas sa usapang ito at ngayon napuno na ako kaya pinagbabantaan ko na siya.
"Why do you hate Macau so much?"
"I don't!" Medyo pasigaw kong ika. Ano bang pumapasok sa isip niya at iyan ang akala niyang dahilan ko? "It's just that...maliban sa wala akong magawa dito masyado ka nang naka-pokus sa trabaho mo?" Kinakabahang ika ko at sandaling tinignan si Jax upang makita ang reaksiyon nito...hindi naman siya galit at mukhang nakikinig talaga kaya nagpatuloy na ako. "Hindi mo siguro napapansin kasi madami kang ginagawa...paano naman kasing hindi? Iyong environment mo Jax napapaligiran ka ng compay...ng pera." Napapikit na ako ng dalawang mata dahil hindi ko na rin alam ang pinagsasabi ko.
Naghahanap na lang ba ako ng problema dahil matagal na kaming wala no'n? Hindi ko alam...hindi ko alam pero ang alam ko ay hindi na ako masaya sa sitwasyon namin.
"Am I being neglectful Megane?" Seryoso at malalim ang boses na tanong ni Jax kaya frustrated na napasuklay na lang ako sa buhok ko.
He's not. He's still the best husband and father we could ask for.
"Let's just sleep." Pagtatapos ko ng usapan. "I'm just being emotional Jax... alam mo naman na wala akong ibang ginagawa dito kaya kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko." Tinignan ko na siya at gumapang malapit sa hinihigaan niya upang halikan ito sa labi. "Sorry." Pero hindi man lang nawala ang kaseryosohan sa ekpresyon nito.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016