Chapter 1

9.8K 210 13
                                    

Ms. Angie Cortez: Good morning! I am looking for Ms. Dei Capili. May appointment ako sa kanya.

Sam: This way Mam.

Sinamahan ni Sam ang guest sa opisina ng F&B Manager ng Destiny Resort and Hotel, Boracay.

Dei: Good Morning, Angie right?

Angie: Yes

Dei: Have a seat. Sam, can you check kung ok na yung mga Banquet Rooms, mag ocular si Ms. Cortez for her Wedding.

Sam: Ok Mam!

Dei: Yes Angie so let me check all the details para pag ikot natin I can show what you really need.

Angie: Beach wedding around 5pm and I want a Buffet dinner for 150 persons.

Dei: We can do the ceremony either on the beach itself or on the viewdeck. Tapos yung reception, we have 2 events room dito sa resort one for sit down of 150pax and buffet for 250pax. Sa hotel all banquet rooms are for 100 to 300 pax.

Angie: That's good, at least I have choices.

Dei: After we do the ocular, I will show you a video of the weddings that are held here before para makita mo how it exactly look like. So, ano ikot na tayo?

Angie: Sure, excited na ako.

Dei: I hope you don't mind my asking hindi ba kasamang mag-ocular ang groom?

Angie: Alam mo naman ang mga lalaki naku ayaw ng details na ganyan, but I brought my wedding coordinator with me, actually siya ang nagsuggest ng lugar ninyo.

Dei: That's good at least my input siya.

Angie: Dei, this is Shaina may wedding coordinator.

Shaina: Hi Dei!

Dei: Hey, great to see you again.

Nagbeso pa ang dalawa

Dei: Isa sa mga regulars ko si Shaina, and if you got her I assure you, you'll have a beautiful wedding. Metikulosa yan eh

Shaina: Angie lahat ng clients na dinala ko dito iisa lang ang comment, this place has superb food.

Dei: Speaking of food. Excuse me lang ha.

Nagusap muna si Shaina at Angie. Habang kausap ni Dei si Liza ang kanyang secretary.

Dei: Liza, please inform the kitchen, that the client for food tasting is here iikot lang kami then balik kami for food tasting tapos have the video room ready.

Liza: Yes Mam.

Lumapit na si Dei sa Guest nya ng biglang dumating si Mr. Simon Santillan-Perez ang may ari ng resort kasama ang isang lalaking hindi kilala ni Dei. Nagmamadaling bumati sa mga ito si Vinz ang Operations Manager ng Resort.

Vinz: Good morning Sir Simon! Bro, Richie ikaw na ba yan?

JR: It's JR, Vinz. Vicente my bro! Kamusta?

Sir Simon: Hay naku Vinz ikaw na ang kumausap dyan sa kaibigan mo. Aatakihin ako sa puso dyan.

JR: Dad naman kadadating ko lang, 2 years akong nawala tapos ang isasalubong mo sa akin sermon. Give me a break!

Sir Simon: Yun na nga 2 years tapos anong nangyari sa yo. Wala.

Vinz: Sir, don't worry ako ng bahala dito kay Rich... I mean JR.

Sir Simon: Mabuti pa nga, ako am done dealing with him.

Lumapit si Dei sa amo. Lumapit ito at nagbeso.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon