Isang linggo na si Dei sa bahay ni JR ng tumawag si Sir Simon sa kanya.
Sir Simon: Hello Hija! Kamusta?
Dei: Ok naman na ho Dad, Kayo po?
Sir Simon: Maayos naman pero syempre malungkot dito wala ka eh. Tumawag ako para sabihin sayong paalis na si Ms. Paredes bukas ng hapon. Sana anak pagalis niya umuwi ka na.
Dei: Sige ho. Thanks po sa pagtawag.
Lumabas ng kwarto si JR, nakabihis ito para pumunta sa isang meeting. Nakita nito na nakatulala na naman si Dei.
JR: Hon, ok ka lang?
Dei: Yah, si Daddy tumawag nangangamusta tsaka sinabi lang na paalis na daw don yung mga artista bukas ng hapon.
Huminga ng malalim si Dei... Hinawakan ni JR ang mga kamay nito.
JR: Hon, hindi na lang ako aalis, tawagan ko na lang si Liza iparesched ko meeting ko para may kasama ka dito.
Dei: No, ok lang talaga ako. Sige na, kliyente yan mahirap na mag-resched sayang opportunity. So, go. Nandyan naman si Dave makikipagkwentuhan na lang ako sa kanya.
JR: Hon, sigurado ka na ok ka lang ha?
Dei: Oo nga, ang cute mong makulit sige na.
Hinalikan ito ni Dei sa labi, matamis, matagal.
JR: O sige na nga, basta kahit anong oras kailangan mo ako tawagan mo ako ha.
Dei: Opo
Tumayo si Dei at inayos ang tie ni JR. Hinawakan ni Dei ang kamay ni JR at ngumiti at hinila na niya ito pababa ng bahay. Nakita nila si Dave na naglilinis sa salas.
JR: Dave alis na ako may meeting ako. Huwag mong iwan si Ate mo dito ha.
Dave: Oo Kuya.
Nauna na itong lumabas ng bahay para buksan ang gate. Humarap si JR kay Dei at hinapit ito sa bewang.
JR: Anong gusto mong pasalubong paguwi ko Hon?
Dei: Wala, ikaw lang sapat na.
JR: Yun naman!
Bigla nitong kinuyumos ng halik ang leeg ni Dei. Nakiliti ito at bumungisngis.
Dei: Ano ba! Nakikiliti ako eh. Sige na, malelate ka sa kalokohan mo.
Hinatid niya ito sa garahe, bago sumakay ng kotse bumulong pa ito...
JR: Mamaya, patingin kung gaano ako kasapat sa yo ha?!
Natawa si Dei, hinampas si JR sa braso. Hinalikan siya ni JR sa labi. Sumakay ito sa kotse, kumaway at umalis.
Dave: Hala parang ayaw maghiwalay talaga... ang sweet! Ate, ayan ang daming langgam sa paa mo!
Napatalon si Dei. Tawa ng tawa si Dave.
Dave: Joke lang 'te! Ang sweet nyo kasi eh.
Hinampas ni Dei si Dave sa braso
Dei: puro ka kalokohan eh. Basketball na lang tayo.
Naglaro nga ng basketball ang dalawa. Nang mapagod naupo sa semento. Nakita nila na dumadaan si Diane kasama ang dalawang kapatid nito.
Dei: Hi Diane!
Diane: Hi Ate.
Tumakbo papunta sa gate si Dei. Sumunod naman si Dave.
Dave: Hi Dee! San kayo galing?
Diane: Sa park, naglalaro kasi itong mga kapatid ko eh kumulimlim kanina kaya eto uuwi na sana kami kaso umaaraw na naman eh nangungulit na bumalik daw kami don.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.