Chapter 25

3K 134 2
                                    

Nakabalik  sila sa Resort bago mag alas sais. Nagmamadali si Dei na pumunta sa Cottage nya para magbihis at iayos ang kailangan niya para sa hapon na yon.  Nagsuot ng white na sundress, nagrubber sandals at binitbit ang tatlong kandila. Panay ang tingin nya sa relo six fifteen na at lumulubog na ang araw. Nagmamadali itong nagpunta sa kitchen ng Resort para kunin ang petals ng roses na inilagay nya sa ref. Nagtataka siya dahil napansin din nyang sarado ang entrance ng Hotel at walang tao sa check in counter.  Nagpunta siya sa beach front resto, nandon si Krizza, nakaputi din ito. Naglakad si Dei sa buhangin papunta sa pampang. Nagsabog ng petals ng roses si Dei sa dagat. Narinig niya ang boses ni Krizza sa mic.

Krizza:  Good afternoon everyone. Today is a very special day for Destiny and Summit because we are honoring a very special Man. Chef David Capili,  a man who has taught his daughther to love immensely.   A man who has died here three years ago, the same man who died for love. Starting today May 16 it is declared to be a celebration of unconditional love, everlasting love and an eternal love of a daughter for his father who died in the name of love.

Tumulo ang luha ni Dei ng marinig ang sinabi ni Krizza. Naglapag si Vinz ng dalawang basket ng petals ng roses sa buhangin. Lumapit si JR at kumuha ng petals sa basket at isinaboy ito sa dagat tumayo ito sa tabi ni Dei.  Sumunod si Sir Simon, Ram, Krizza, Vinz, Sam at isa-isang lumapit ang mga staff ng destiny na nakaputi lahat. Itinuro ni JR kay Dei ang lugar ng beach front ng Summit. Lalong naiyak si Dei ng makitang nagsasabog ng bulaklak ang mga nakaputing tao na nandon. Inakbayan ito ni JR at umiyak si Dei sa dibdib nito. Tumugtog ang dance with my father mula sa speaker ng Destiny at ng Summit.  Pagtapos ng kanta, habang dumidilim ang langit,  naglabas ng lighter si JR at ibinigay kay Dei, itinayo ni Dei ang tatlong kandila sa buhangin at sinindihan ito. At narinig ni Dei ang boses ni Ram sa mic.

Ram:  Let us now offer a prayer for the soul of Chef David Capili... Almighty Father, we lift up the soul of our beloved Chef David Capili to you Oh God, may he continue to live with you in your kingdom and share an everlasting life under your care. May we learn from him the value of love that he has taught her daughter. May we continue to value this love and let it's  light grow in our hearts until the end of our lives. Eternal Rest, grant unto him , O Lord. And let perpetual light shine upon him. May he rest in peace. Amen. May the souls of the faithful departed, through the mercy of God rest in peace. Amen. May the Lord bless us, may he keep us from evil and bring us to life everlasting. Amen.

Kinuha ni JR ang kandila na nasa bulsa niya at isinindi sa isa sa kandila na nakasindi at itinusok ito sa buhangin. Ganon din ang ginawa ni Sir Simon, Ram, Krizza at ang lahat ng staff ng Destiny. Ganon din ang ginawa ng bawat isang staff sa Summit kaya kahit madilim na ang langit kitang kita ni Dei ang padami ng padami na kandila na sinisindihan sa beach front ng Destiny at Summit.  

Naupo silang lahat sa beach, nilagyan ng upuan si Sir Simon sa tabi ni Dei. Nasa kabilang tabi naman niya si JR.

JR:  Ang ganda di ba?

Dei: Oo nga.

JR:  Kung gano kadami ang nakasindi na kandila na yan Dei, ganyan kadami ang nagmamahal sa yo sa lugar na ito.  Kaya lagi mong tatandaan hindi ka nagiisa sa mundong ito.  Nandito kaming lahat para sa yo.

Sir Simon:  sigurado akong natutuwa ang Papa mo na malaman na madami ang nagmamahal sa yo.

Dei:  Dad, thank you po talaga.

Sir Simon:  Hindi ako ang nakaisip nito. Sinabihan lang ako ni Ram at Krizza ng gusto nilang mangyari. 

Dei:  Thanks bro, sis!

Ngumiti lang ang dalawa. Mayamaya pa pinabalik na ni Vinz ang staff ng  Resort at hotel sa kanilang mga trabaho at sinabing dumaan sa kitchen para sa dinner nila na ipinaluto ni JR. Naghain naman si Sam ng Dinner para sa pamilya Santillan-Perez doon sa Beach front resto. Habang naiwang nagkukwentuhan ang maganak tungkol sa nalalapit na Flores de Mayo.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon