Chapter 48

2.9K 129 2
                                    

Nang gabing yon, tinanong ni Sir Simon kung ipapaayos ba nya yung guest room para sa Mama niya?  Sabi ni Dei, huwag na daw pwede naman sa kwarto niya matulog ito.

Sir Simon:  Oo nga naman, hindi ako nagiisip, am sure namiss na ninyo ni Ricardo ang isa't isa ang matulog ng magkatabi.

Ngumiti lang si Dei.  Nagpapahinga na ang lahat pero si Dei naiwang nanonood ng TV sa entertainment theater. Nang magyayayaan ng matulog ang lahat nagsabi siyang tatapusin lang ang pinapanood.

JR:  Samahan na kita.

Dei:  No na, alam ko namang pagod kayo sa byahe, magpahinga ka na. Susunod na lang ako.

Pero ang totoong nasa isip ni Dei, wala syang balak na matulog sa kwarto ni JR.  Since humingi siya ng oras to be away from him, pangangatawanan na niya. "I don't want him to feel obliged to be with me." Pinatay nya ang TV at naglakad lakad sa garden, nagisip-isip. Simula nang makita niya ang litrato ni Chelsea sa wallet ni JR, nagduda na siya.  "He is not really over her, naniniwala naman siyang gusto siya nito, hindi lang siya naniniwala na lalalalim pa ang relasyon nila. Not unless nakamove-on na ito from Chelsea pero mukhang hindi pa eh."  Bumuntunghininga si Dei... isang malalim na buntunghiningha.

JR:  ang lalim naman non?!  Mukhang malalim ang iniisip mo ah.

Dei:  Oh, bat andito ka? Akala ko ba magpapahinga ka na?

JR:  Oo nga nagpapahinga na sana ako, sabi mo tatapusin mo yung movie, sinilip kita wala ka don kaya hinanap kita. Nagmumuni-muni ka pala.

Dei:  Madami lang iniisip. 

JR:  Tulad ng?

Dei:  Yung mga plano ko, yung mga gusto kong gawin, yung Destiny at ang Mama ko.

JR:  Yun lang talaga?

Dei:  There are things I'd rather not think about lalo na yung mga bagay na wala naman akong control over kasi wala naman akong magagawa pa.

JR:  Katulad ng tungkol sa akin?

Hindi umimik si Dei.

JR: Hindi kita pinupuntahan, tinatawagan or tinetext dahil sabi mo oras lang ang hinihingi mo. Kaya yon ang binigay ko sa yo. Pero nung pinakita sa akin ni Ram ang FB post ni Eric kinabahan ako, hindi ako nakatiis kaya tinext kita and I was so happy na tinawagan mo ako. Ginagawa ko lang kung ano ang gusto mo.

Dei:  Alam ko.  Yun nga ata ang problema eh, dahil alam ko na lahat ginagawa mo dahil yun ang alam mong magugustuhan ko.  Ang tanong, ikaw? gusto mo ba yang ginagawa mo? This is not just about me, it's about you too. Tulad yung pagpapabalik sa yo ng Daddy sa Holdings.  I want you to do it in your own terms, yung kapag ready ka na, yung kaya mo na dahil mahirap ipilit sa tao ang isang bagay na sa pakiramdam niya hindi niya kayang gawin dahil hindi ka totoong magiging masaya. I want you to move on in  your own terms.

JR:  Kung iniisip mo ang tungkol kay Chelsea, you shouldn't. Wala na siya at kahit kelan hindi na siya babalik pa. 

Dei: Alam ko naman yon, pero alam ko din na hindi dahil wala na siya, ibig sabihin wala na din siya sa puso mo, hindi ibig sabihin hindi mo na siya mahal, di ba?!  As of what I heard, your's is a wonderful love story kaya naiintindihan kita. Naniniwala naman ako na gustong gusto mo ako eh. Ok naman na ako don eh.  Pero honestly, I wish sana makapasok ako sa puso mo and eventually sana ako na lang. I don't mind you remembering her pero knowing that you still keep her there (itinuro ang tapat ng puso ni JR) at baka hindi mo na siya maalis dyan, then I cannot live with that.

Lumapit si JR sa kanya. Niyakap siya, mahigpit.

JR:  I'm sorry, alam ko nasasaktan kita ng hindi ko sinasadya. Ang alam ko lang gusto ko lahat ng ginagawa ko para sa yo. Gusto kitang laging kasama, nakikita, inaalalagaan at pinapasaya. Gusto kong ibigay sa yo ang buong-buong ako.  Kaya sana you don't give up on me, on us.  Sana mahintay mo ako... please hintayin mo ako.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon