Sabado ng umaga, dumating sya sa beach front resto na nandon ang ama-amahan, si Ram at JR.
Dei: Good morning Dad! morning bros!
Sir Simon: Good morning Hija!
Magkatabi sa upuan si Ram at ang Daddy nila. Umupo si Dei sa tabi ni JR.
Dei: Sam, coffee please!
Sir Simon: Mukhang totoo ang mga naririnig ko ah, masaya daw ang dalaga ko? at sa tingin ko lalong gumaganda.
Dei: Thanks dad, mana lang sa kagwapuhan mo.
Wala pa ring imik si JR at Ram. Tinignan ni Dei ang dalawa.
Dei: Dad, maaga ka bang nanermon?
Sir Simon: Hindi ah
Dei: eh bakit nakabusangot ang dalawang ito? Oy, ang aga-aga ang mga mukha ninyo parang nilukot na dyaryo!
JR: Masakit ang ulo ko, may hangover ako.
Dei: Ikaw naman Ram... oh my hindi nagwork ang plano ko?
Nalungkot ang mukha ng dalaga. Tumayo ito sa likod ni JR sinimulang masahihin ang noo ni JR.
Dei: Sam, wag mong pakainin tong kaibigan mo. Bigyan mo ng black coffee at ice cold water at ikuha mo ng gamot sa hangover.
Sam: Ok po Mam.
Dei: Ano ba naman si Krizza, surprise dinner , flowers tapos loving words hindi pa rin umubra anong klaseng puso ba meron yang asawa mo Ramon? Nakakainis! hindi tuloy ako makakapag jetski ang ganda pa naman ng araw oh.
Tinignan ni Dei ang beach tsaka nya lang napansin ang dalawang jetski na nakaparada don. Nagtatalon ito at nagpaikot ikot pa.
Dei: Yes! yes! it worked! Niyakap niya si Ram, am so happy for you.
Ram: Yes it worked and we had a wonderful night. Thanks to you!
Dei: Nakascore ka bro?
Sumenyas si Ram at ipinakita ang tatlong daliri.
Dei: Yun naman! Ramon Santillan-Perez three points! babies here they come
Natawa na si Sir Simon, JR at Ram sa reaction ni Dei.
JR: parang ikaw ang naka 3 points sa reaction mo ah
Dei: syempre masaya ako kasi malapit ng magka-apo ang daddy. Oh di ba Dad masaya ka din?
JR: Eh hindi naman ikaw ang magkakababy
Dei: Alam mo ikaw, kahit kelan panira ka ng mood ko eh. Oy kung ikaw badtrip wag mo kaming idamay sa pagkabadtrip mo basta kami masaya. Ang sungit daig pa ang babaing nagmemenopause!
Ang lakas ng tawa ni Sir Simon at Ram.
Dei: Ay alam ko na hindi ka nakascore kay Shaina kagabi kaya mainit ang ulo mo? Or worst matagal ka ng hindi nakakascore at baka yang sakit ng ulo mo hindi dahil sa hangover kung hindi matagal ka nang tigang!
Humagalpak sa pagtawa si Sir Simon at Ram.
JR: Ganon ha! Teka ka nga, kapag inabutan kita tignan natin kung sino ang tigang
Dei: Daaaaddddddyyyyyy si Richie oh
Tawa lang ng tawa si Sir Simon at si Ram habang pinanonood na naghahabulan ang dalawa.
Sir Simon: Ano sa palagay mo Ramon? may tyansa bang magkaapo ako sa dalawang yan?
Ram: Dad, kung kakayanin nilang aminin sa isa't isa ang nararamdaman nila, palagay ko meron. Pero mukhang matatagalan pa.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.