Chapter 13

3K 149 3
                                    

Naging busy and lahat ng staff ng Destiny para sa preparasyon para sa Korean Company Team Building.  Sinigurado nila na all 35 rooms maayos lahat.  Si Dei busy sa pagprepare ng lunch at dinner menu at may dalawang event did siya during those weekend, so talagang hectic ang schedule nya.

Minsang nasa banyo si Dei ng opisina niya pumasok si Vinz at JR para kunin ang ilang papeles sa table niya.

Vinz:  Oh, eto yung kopya ng contract tapos hintayin mo na lang si Dei kasi baka naconfirm na nya kay Shaina yung sa wedding date nung event niya.

JR:  Speaking of Shaina, single ba yon? taken?

Vinz:  Interesado ka sa kanya?

JR:  Attracted oo, ang kinis eh at grabe sa ganda.

Vinz:  So yun lang talaga ang hinahanap mo sa babae ha?

JR:  Hindi, I mean kasama yon, pero kung pang parada lang ok na yon.  It doesn't matter kung ano ugali and pinanggalingan pamilya.  Pang rampa lang naman eh.

Vinz:  Single and available pero kaibigan ni Dei.

Lalabas na sana ng banyo si Dei nang marinig niya ang pangalan niya, hinila nya ulit ang pinto at nagiwan ng maliit na siwang para marinig ang usapan nila.

JR:  O eh ano naman kung kaibigan ni Dei?

Vinz:  Kapag nalaman niyang pinopormahan mo si Shaina, tapos ka na sa kanya, kung may pogi points ka man kakalimutan na ni Dei lahat yon. Dahil kaibigan niya hindi niya gugustuhing maging hadlang sa inyo.

At lumabas na ang dalawa.  Saka lang lumabas si Dei, so type niya si Shaina? Nagkibit balikat si Dei pero parang may hatid na kirot ang nalaman niyang ito.

Dumating si Shaina para magconfirm ng mga event dates niya. 

Dei:  Shaina, ready na itong copy ng isang event mo pero kulang sa pirma ni Vinz, pwedeng ikaw na magpapirma nandyan lang naman sila ni JR sa beach front eh.  Hindi ako makaalis may hinihintay akong tawag eh.

After 30 minutes hindi pa din bumabalik si Shaina, may hinala si Dei na gusto nyang maconfirm. Pumunta ito sa beachfront at nakita don si Shaina kausap si JR at Vinz.

Dei:  Girl, nakuha mo na yung  contract? Hindi ka na bumalik akala ko hindi mo makita si Vinz.

JR:  Sorry, I invited her to stay for snack.  Hope you don't mind.

Dei:  Of course, I don't. Anyway, bahala ka na dyan Shaina ha.

Shaina:  Oo girl, the moment pumunta for DP puntahan kita agad.

Dei:  O sige, maiwan na kita enjoy your snack. Pasensya na madami pa akong gagawin eh.

Vinz:  Dei, we are planning to go out tonight, magdisco kame sa Wave, sama ka?  Be my date.

Dei:  Vinz, parang hindi mo naman ako kilala, ayoko yang mga sosyal na night out na yan. Pang kanto kanto na inuman lang ako.  Si Jessa yayain mo am sure sasama yon.  Malay mo this might be your chance, ligawan  mo na yon obvious naman type ka.

Vinz:  Ayan ka na naman nagma-match making ka na naman eh.

Dei:  Magaling ako don, alam ko kung sino ang bagay kanino. Kaya kung ako sa yo go na.   Sir JR,  yun palang  event mo, yung birthday ni Uno? He came here, nagDP na, babalik na lang da5w sya later.

JR: Oh ok, thanks! Ang bilis ni Uno ha, ano bang gayuma ginamit mo don napa-oo mo yun? 

Dei:  Ano pa, bro eh di ang smile at charm ko!  O sige na marami pa talaga akong gagawin.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon