Habang papalapit ng papalapit ang katapusan lalong nagiging busy sa Resort. Halos araw-araw may meeting ang committee para sa Flores de Mayo. Lalo na si Dei at Krizza pero nageenjoy naman sila. Pero kahit gaano kabusy, kapansin pansin pa rin ang magiliw na pakikitungo ni JR kay Dei. Nandyang tulungan ito sa kung ano mang binubuhat, ihatid at sunduin ito kung saan man pupunta at dalhan ng pasalubong kapag umaalis siya.
Katulad ng hapon na yon na galing sya sa isang meeting at napadaan daw sa Starbucks.
JR: Vinz, si Dei?
Vinz: nandiyan lang kanina pakalat kalat kasama nila Imee.
Biglang dumating si Dei kasama ang committee galing sa beach. Naglalakad ito ng patalikod habang nagmuwestra sa mga kausap na tawanan naman ng tawanan hanggang sa masabit ang paa nito sa isang bato at na-out balance, dalawang dipa ang layo kay JR. Mabilis na tumakbo si JR at sinalo ito.
Nagulat din ang lahat at napasigaw. Maagap na naitayo ito ni JR.
JR: Ano ba kasing ginagawa mo at naglalakad ka ng patalikod? Hindi ka tumitingin sa dinadaan mo eh. Sam! alisin mo nga itong batong ito, makakadisgrasya pa yan eh.
Tumingin ito kay Dei.
JR: Ok ka lang ba?
Dei: Yup, ok lang ako, no bumps or bruise. Thanks to you!
JR: Nakuha mo pa talagang magpacute ha.Eh kung hindi kita nasalo nagkabukol ka na. Ayusin mo yang paglalakad mo!
Dei: Pasensya na kayo guys mukhang mainit ang ulo ng Kuya ko.
JR: Wag mo nga akong tinatawag na kuya! Vinz, ibigay mo sa kanya yang dala ko baka sakaling maayos ang paglalakad nyan kapag nakakain na.
At umalis itong nakakunot ang noo.
Dei: Anong problema non?
VInz: Huwag mo daw siyang tawaging Kuya, Love na lang!
Nagtawanan sila at tinukso naman siya pati ng mga members ng committee.
Imee: Alam mo Ms. Dei, parang mas bagay nga kung Love ang tawag mo hindi Kuya.
Sheila: Oo nga Ms. Dei, bagay naman kayo eh.
Dei: Pati naman kayo nakikisali sa kalokohan nito ni Vinz eh. Ang tagal ko ng kasama yan, hanggang ngayon umiinit pa din ang ulo sa akin, pano nyo naman sasabihing gusto ako non.
Vinz: Baka naman kasi nagalala talaga
Imee: Oo nga, ayaw na masaktan ka eh ikaw naman kasi Ms. Dei kung ano-anong ginagawa mo.
Sam: Pati tuloy itong bato at ako napagdidiskitahan eh.
Nagtawanan silang lahat.
Dumating ang araw ng Flores de Mayo, ready na sa parking area ang float ng Destiny at Summit at nilagyan ito ng generator para sa ilaw. Ang backdrop ng dalawang float ay ipinapaint pa para magmukhang totoo. Ang backdrop ng float ng Destiny ay ang view ng sunset sa beach at ang backdrop naman ng Summit ay ang bukang liwayway sa tabing dagat. Sa isang gilid ng truck nakalagay ang kanilang logo at sa kabila ang pangalan ng Resort. Nilagyan ng parang maliit na elevation ang kalahati ng likod ng tinakpan ng white sand ang sahig at nilagyan ng upuan sa gitna na nakasandal likod ng 6 wheeler truck at lalagyan ng mga sariwang bulaklak ang likod at tagiliran ng mga ito. Ang itsura tuloy ng uupo don ay para talagang nasa tabing dagat.
Ipinadeliver na ni Dei sa Committee ang mga gown at barong, binigyan ng receiving slip at sinabing mismong sa GM ng bawat resort papirmahan at ibabalik ito sa Gala Night kaya dapat may bitbit na pamalit na pangparty ang lahat. Pagkapananghali, naging busy naman si Dei at Krizza sa kitchen, gumawa sila ng pack meals para sa mga driver ng mga floats at dalawang grupo ng banda na tutugtog sa Parada.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.