Weekend bago mag all soul's day, madaming guests ang Destiny at summit. Narentahan ang Destiny at ang Balinghai para sa isang tele novela. Kaibigan ni Don Simon ang Producer ng naturang pelikula. Istorya ng magkapatid na nagkahiwalay isang araw ng bakasyon. Nalunod ang isa, ang naiwang buhay ay bumabalik sa Boracay para gunitain ang kapatid na inakalang patay na. Ngunit yun pala ay nalunod at nailigtas sa ibang isla at doon na ito lumaki. Kaya't isang grupo ng artista ang nakabook sa Destiny para sa isang shooting. Nakabook sa kanila si Barbie Forteza, Andrei Paras, Thea Tolentino at Derrick Monasterio pati na ang mga staff at crew ng naturang tele novela. Gayon din ang mga batikang artista na sina Jean Garcia, Jomari Yllana at si Gianina Paredes ang ina ni Dei.
Walang kaalam-alam ang lahat kung sino ang mga artistang parating. Naunang dumating doon sina Barbie, Thea, Andrei at si Derrick kasabay ng Producer, Director, writer at iba pang staff. Mismong si JR, Sir Simon at Mang Roger ang sumundo sa kanila sa Caticlan Port at isinakay sila sa Yate para makarating sa Destiny. Tuwang tuwa ang mga ito na isang pribadong beach reasort na malayo layo sa kahabaan ng Boracay Station 1 to 4 ang lugar na pagshoo-shootingan nila. Sinalubong sila ni Dei at Krizza ng mga lei's at pinagpahinga sa Beach Front Resto at binigyan ng welcome drinks na Frozen Lemonade. Personal na ipinakilala si Dei sa Producer at Director ng pelikula, nabanggit ni Sir Simon ang kanyang kwento sa Producer at ang gusto ng producer ay ishare ni Dei ang kwento niya ng personal para matutunan nila mismo ang kanyang naging damdamin ng malunod at mamatay sa harap niya ang ama. Pumayag naman si Dei, sinabing ikukwento niya sa eksaktong oras at tanawin ang kanyang kwento. Pagdating ng alas sais, nakaupo na ang lahat ng artista at staff sa buhangin sa paligid ni Dei na nakaupo sa isang beach chair. Ipinikit ni Dei ang mata at pilit na binalikan ang araw na yon. Humahagulgol si Dei ng matapos ikwento at ireenact and nangyari. Tumutulo ang luha sa mga mata ng lahat lalo na si Barbie at Thea, umupo sila sa tabi ni Dei, niyakap ito. Ramdam nila ang sakit.
Barbie: Ate salamat ha, alam namin mahirap para sa yo ang ginawa mo, kaya maraming salamat.
Thea: Malaking tulong po ito para sa amin Ate Dei. Salamat po talaga.
Naging malapit kay Dei ang dalawa at kinabukasan sa unang araw ng shooting nakiusap ang mga ito na kung maaari ay manood siya para maging inspirasyon nila. Pinapanood ni Dei kay Barbie at Thea ang video na nagviral noon na pinamagatang the sunset girl. Sa istorya si Thea ang nalunod at Barbie ang naiwang buhay at ang kukuhanan nila ay ang pagbalik niya sa Boracay para gunitain ang kapatid. At kung papanong pumupunta si Dei sa beach at kinakausap ang ama, ganon ang mismo ang pinagagawa kay Barbie. Maayos na nakuhanan ang scene at magaling ang pagarteng ginawa ni Barbie, nakadalawang take lang ito. Tuwang tuwa ito at panay ang pasasalamat. Sinamahan din sila ni Sir Simon, JR at Dei sa Balinghai para naman sa unang shooting ni Thea.
Sa tatlong araw na nandon ang mga ito kapag may pagkakataong magpahinga at nakikita ni Thea at Barbie si Dei sa Destiny ay nakikipagkwentuhan ang mga ito. Magkakasabay namang dumating ang mga batikang artista mismong araw ng mga patay pati na ang ina ni Dei. Nasa kanya-kanya ng kwarto ang mga ito ng dumating si Dei at JR galing sa pagbili ng bulaklak na ipapaanod at kandilang iaalay ni Dei para sa ama sa araw na yon. Habang bumababa ang araw nasa beach front ng hapong yun sila Thea, Barbie, Andrei at Derrick kababalik lang nila galing sa Balinghai ng makita nila ang pamilya Perez at si Dei na may bitbit na bulaklak at floating candles. Tinanong nila ang isang staff kung anong ginagawa ng mga ito at ng sinabi sa kanila na ginugunita nila ang Papa ni Dei, humingi ang mga ito ng kandila at sumali sa pagtitirik ng kandila sa buhangin. Nang tuluyang dumilim nagpasalamat si Dei sa kanila. Nauna ng maglakad pabalik sa resto ang mga ito nakasalubong nila si Jean Garcia at Gina Paredes.
Jean: Ang ganda naman niyan ang daming kandila at bulaklak sa dagat at kandila sa buhangin, what a beautiful sight.
Barbie: Hi Tita Jean, Hello Tita Gina, magbibihis lang po kami.
Napatingin si Dei sa narinig, dadalawa lang ang artistang alam niya na Gina ang pangalan, Si Gina Alajar at ang kanyang ina.
Dei: Barbie, sinong Gina?
Barbie: Ate Dei, si Tita Gina Paredes po. Siya po ang...
Napatigil sa paglalakad si Gina, nakilala niya agad kung sino ang taong ipinapakilala ni Barbie. Bago pa natapos ni Barbie ang sasabihin niya, nasugod na ni Dei ang Ina, mabilis na kumawala sa kamay nito ang isang magasawang sampal na dumapo sa mga pisngi ni Gina.
Dei: What are you doing here, you bitch! Anong ginagawa mo dito? Wala kang karapatang tumungtong sa lupang ito, wala kang karapatang pumunta dito.
Dahil sa pagkakagulat natigilan ang lahat at hindi napigilan ni JR ng niyugyog, sinampal, hinila, tinulak ni Dei ang Ina ng paulit ulit, galit na galit at umiiyak ito sa galit. Paulit ulit nitong sigaw , "Umalis ka dito, pinatay mo ang Papa ko. Mamamatay tao ka! Wala kang kwenta!"
Nakatumba at umiiyak na si Gina ng pilit na nahila ni JR si Dei. Niyakap niya si Dei, naginginig at umiiyak si Dei, paulit-paulit na sinasabi nito... pinatay mo ang Papa ko. Habang nagpupumiglas si Dei sa pagkakayakap ni JR, "Walanghiya ka! Umalis ka dito! Pinatay mo ang Papa ko!"
Inalalayan ni Derrick at Andrei si Gina.Tumayo si Gina, umiiyak pero pinilit lumapit kay Dei, "Gia, please... anak!"
Naabot ni Dei ang buhok nito, hinila "Hindi mo ako anak! Wala kang kwentang ina! Pinatay mo ang Papa ko! Wala kang kwentang tao! Sa imyerno ka nababagay, pinatay mo ang Papa ko. Richie, please paalisin mo siya dito, ayoko sa kanya. Daddy please, paalisin mo siya dito."
Sir Simon: Oo Hija, huminahon ka paaalisin ko sila. Huminahon ka lang.
JR: Sige na ho, parang awa nyo na umalis na muna kayo, Sam, paki samahan na sila sa kwarto nila.
Walang tigil sa pagiyak at pagsigaw si Dei, nagwawala talaga. Hindi na halos makahinga sa paghikbi at pagiyak nito.
Dei: Tama sila isa ka ngang magaling na artista Gina Paredes. Nalinlang mo kami ng Papa ko ng napakaraming taon. Pero wala kang kwentang babae, wala kang kwentang asawa, wala kang kwentang Ina. Pinatay mo ang Papa ko! Pinatay mo ang Papa ko!
At tuluyan itong nawalan ng malay, nagulat si JR ng bigla itong natahimik at nalugmok na parang nauupos na kandila sa pagkakayakap niya.
JR: Dei... Dei... Oh my God. Dei!
Binuhat ito ni JR at itinakbo papasok ng hotel paakyat sa kwarto ni Doctor Angelo. Makalipas ang trenta minutos nahimasmasan na ito. Tuloy pa rin ang pagluha. Hawak ni JR ang kamay nito.
JR: Dei tama na please baka kung mapano ka na naman eh.
Pinilit naman ni Dei na kalmahin ang sarili. Makalipas ang kalahating oras. Bumangon ito. Kumuha ng tissue sa ibabaw ng lamesa pinunasan ang mukha. Inayos ang pagkakatali ng buhok at tumayo.
Dei: Angelo, Salamat! Uwi na ako.
Angelo: Kaya mo na ba?
Dei: I'm okay.
JR: Ihahatid na kita.
Paglabas nila nakita ni Dei si Sir Simon. Niyakap nito ang matanda.
Dei: Dad sorry.
Sir Simon: Wala kang dapat ihingi ng tawad anak, naiintindihan kita. Tama na ha, huwag ka ng umiyak. Magpahinga ka na. JR ihatid mo na siya.
Lumapit si Ram at Krizza. Niyakap siya ni Krizza.
Krizza: Everything will be alright. Pahinga ka na.
Niyakap ni Ram si Dei at hinalikan sa buhok.
Ram: Don't worry about anything, nandito lang kami para sa yo.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomansThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.