Isang linggo makalipas ang birthday ni Sir Simon, kinausap ni Dei si Gina.
Dei: Ma, ok lang po talaga sa inyo yung balak kong gawin sa bahay?
Gina: Oo Gia, dahil alam kong matutuwa ang Papa mo sa plano mo. Natupad mo na ang pangarap mo, hindi pa nawala sa atin ang tahanan natin di ba?
Dei: Ma, pwede bang doon na lang tayo sa mansyon para hindi ka na nagbabayad ng renta dito sa condo. Or kung gusto mo bumili na lang tayo ng unit sa isa sa building ng Summit.
Gina: Anak, huwag mo akong alalahanin, kung saan mo gustong tumira, sasamahan kita. Hindi na kita iiwan pa.
Niyakap ni Dei ang ina. Kinasundan na linggo, lumipat sila sa Mansyon. Ginawang kwarto ni Gina ang isang guest room sa ibaba. Nagsimulang pumasok si Dei sa Summit Holdings para asikasuhin ang Cafeteria na gusto ng ama-amahan. Nandon din si Ram at tinuruan siya ni Ram ng tungkol sa mga kasalukuyang projects ng kumpanya, ipinabasa sa kanya ang mga kontrata para kahit papano daw alam niya. Maayos din ang pagtanggap sa kanya ng mga tauhan doon. Natutuwa sila na magkakaron na ng sariling cafeteria ang building. Ipinatawag niya ang lahat para sa isang open forum. Inalam ni Dei ang mga gusto ng empleyado tungkol sa Cafeteria at ang mga iba pang hinaing nito.
Dei: Pinapunta ako dito para tulungan si Ram, naniniwala din si Mr. Simon Perez na kapag masaya at kuntento ang mga impleyado ay mas magiging maayos lalo ang pagtatrabaho. Hindi ako nangangakong matutupad ko agad-agad ang mga hiling ninyo pero nakasisiguro akong kahit papano unti-unti ko pagagaanin ang mga hinaing ninyo. Kaya sana konting pasensya lang. Tandaan ninyo na sa pagangat ng kumpanyang ito kasama namin kayo.
Naging malapit kay Dei ang mga tauhan ng Summit Holdings kahit sasandali pa lang ito doon. Natuwa ang mga ito na binigyan niya ng pagkakataong magsalita at marinig sila. Ginawa ang cafeteria may sariling kitchen at comportable ang mga upuan at lamesa, air conditioned ito. Nilagyan din ng bathroom at ng open space para sa smoking area. May dispenser para sa libreng tubig. May bendo machine ng kape at softdrinks at ang pagkain ay mas mababa ang presyo. Isang meal na may kanin, ulam, sabaw at iced tea ay 50 pesos lang. Meron ding mabibiling mga instant noodles, biskwit at mga chips na mas mababa ang presyo kaysa sa convenient stores sa labas ng building.
Nagkaron din ng shuttle service ang mga tao simula sa opisina papunta sa istasyon ng tren at sa sakayan ng bus. Sinusundo sila sa umaga at hinahatid sa hapon pagkatapos ng trabaho. Tuwang tuwa ang mga empleyado sa mga pagbabagong ito. Nageenjoy naman si Dei sa pagpasok sa Holdings sa umaga at bandang ala una ng hapon sa culinary arts naman hanggang alas sais ng gabi.
Samantala, si JR, tuluyan na niyang inalis ang lahat ng ala-ala ni Chelsea sa bahay niya. Nararamdaman niyang habang hindi nakakasama si Dei lalo lang siyang nalulungkot at nami-miss niya ang pagaalaga nito. Masaya siya kapag naiisip ang mga ala-ala ni Dei. Yung pagpadyak ng paa nito kapag naiinis, yung tawa nito kapag masaya at nakikita ang mga paboritong pagkain, yung simpleng pagdadamit nito at ang itsura nito kapag natutulog sa tabi niya. Isang bagay na lang ang kailangan niyang gawin. Lumuwas siya ng Manila at tinungo ang puntod ni Chelsea para tuluyan ng magpaalam. Nagsindi siya ng kandila at inilagay ang mga puting rosas sa ibabaw ng lapida nito.
JR: Chel, alam kong nakikita at naririnig mo ako. Alam mong minahal kita ng higit pa sa buhay ko. Tinalikuran ko ang lahat ng mawala ka. Ni hindi ko alam kung papano mabuhay. Pero ngayon alam ko na, mas gugustuhin mong magpatuloy ang buhay ko kasama ang pamilya ko. Ganon mo ako kamahal kaya nga hindi mo nasabi sa akin ang tungkol sa kalagayan mo dahil ayaw mong masaktan at malungkot ako. Gusto kong mabuhay hindi lang para sa pamilya ko kundi para sa sarili ko. Gusto kong maging masaya ulit, katulad nung kasama pa kita o mas higit pa. Tulungan mo ako Chel, gusto kong buksan ang puso ko para sa kanya at ibigay ng buong sarili ko. Tulungan mo ako ha. Salamat sa lahat Chel, isa kang napakagandang alaala sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
by the seashore
Storie d'amoreThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.