Chapter 5

3.5K 169 6
                                        

Nang hapon na yon, nasa beach front si JR, nandon din ang beach chair at table na inaayos ng waiter twing hapon pero wala si Dei. Nagbubulungan na ang mga staff ng Destiny at nagtataka. Tahimik lang na nakatingin sa dagat si JR, alam nyang kasalanan nya kung bakit wala si Dei.  Dumating si Vinz may bitbit na dalawang bote ng sanmig light.  Iniabot ang isa kay JR.

Vinz:  O bakit nandyan ka at hind umiinom its past your happy hour

JR:  Wala nagiisip lang

Vinz:  Nagiisip o nagui-guilty ka?

JR:  Alam ko naman ang kasalanan ko, hindi ko nga lang alam kung papano ko aayusin eh.  Tama naman sya wala akong pakialam how she deals with her loss at least sya ilang oras lang na nawawala sa sarili, ako I lost myself along when I lost Chelsea at hanggang ngayon hindi ko pa alam kung papano mabuhay ng wala siya.

Vinz:  Kaya mo naman eh, nandito ka nga buhay at humihinga. Ang kailangan mo lang to find new reasons to live a better life than before. Kung hindi mo kayang mabuhay para sa sarili mo, live for your family kasi sila kailangan ka nila.

Habang papalubog ang araw, mayamaya pa ay nakita nila si Dei naka puting sundress kasabay na naglalakad si Ram. Dumeretso ang mga ito sa beach chair na nakahanda, naupo at pinanood ang sunset. Lumapit ang isang waiter dala ang frozen margarita at brandy sa isang baso.

Vinz:  look who's here... hanggang may mga taong nagpapahalaga, umuunawa at nagmamahal sa kanya, she will not lose to you JR... at lalong hindi siya magpapatalo sa buhay.

Dumilim na nakaka apat na beer na si Vinz at JR.  Umalis na si Ram pero hindi pa rin dumadating ang Daddy nya, lumilingon si Dei. Halatang hinihintay si Sir Simon.

Vinz:  Mukhang wala ang daddy mo ah. 

JR: oo nga eh, kawawa naman siya oh

Vinz: Ikaw na lang kaya?

JR:  Ano? anong sasabihin ko? Bakit ako?

Vinz:  Di ba sabi mo alam mong mali ka eh di magsorry ka na.  Chance na yan oh, wala namang mawawala sa yo.  Kung ayaw nya at least you tried at nakapagsorry ka pa.

Ininom ni JR ang natitirang beer sa bote nya at tumingin kay Vinz

JR:  Wish me luck!

Vinz:  Good luck!

Lumapit ito kay Dei, tumayo sa tabi ng beach chair nito.

JR:  Ang dilim na ng langit no? kanina lang ang ganda ng sunset when it turned orange tapos ngayon black na lang lahat.  It's such a miracle how the skies that is blue during the day could turn orange like that dahil lang nagtatago na ang araw sa mga ulap and then turned black.

Dei:  Siguro under the clouds ang inner layer ng skies iba-iba ang kulay kaya nagkakaganyan yan.

JR:  Siguro nga.  Wala ang daddy eh, pwede bang ako na lang ang proxy sa dance number ninyo?

Dei:  Nangaasar ka lang ba? umalis ka na lang kaya.

JR:  Hindi, seriously since wala ang daddy I really came to ask kung ok lang sa yo na ako na lang ang magsasayaw sa yo. I don't really understand why but I know my dad hindi naman nya gagawin yon  without any reason. Kaya here I am.

Dei:  Sigurado ka?

JR:  Oo nga.

Iniabot ni JR ang kamay nya, tumayo si Dei at inilagay ang kamay sa balikat ni JR at hinawakan naman ni JR sa bewang ang dalaga at nagwaltz sila.

JR:  pwede palang music ang tunog ng alon at tubig sa dagat, I never realized that.

Natawa si Dei.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon