Pagdating sa Maynila, sa mismong opisina ng Summit Holdings ibinaba ng helicopter ang magina at nandon ang sekretarya ni Sir Simon na si Joanne para asikasuhin sila. Noon lang nakarating si Dei doon at nagulat siya sa laki ng building na pagaari ng mga Santillan-Perez. Mismong company driver ang naghatid sa kanila sa isang condominium sa Quezon City. Two bedroom condo ito, at may mga lirato ito ng pamilya nila sa salas at sa kuwarto pero bukod doon wala kahit isang bagay na pamilyar kay Dei. Kumuha lang ng ilang gamit si Gina at inihatid na sila ng driver sa Valle Verde 4 Subdivision kung saan dati silang nakatira.
Maayos ang lahat at malinis ng datnan nila ang kanilang bahay. Nandon pa rin ang dating Driver at Hardinero nila na si Mang Alex at ang katulong na si Armida. Tuwang-tuwa ang mga ito ng makita sila. Kung paano ito naalala ni Dei, ganon pa rin ang itsura nito. Pinagpamalengke ni Gina at pinaggrocery si Armida. Pumasok si Dei sa kwarto ng mga magulang at walang nagbago dito pati na sa kwarto niya. Nandon ang mga libro niya. Pumasok si Gina sa kwarto.
Gina: Ang alam ko yung mga kaibigan mo dito ay dito pa rin nakatirang lahat. Kinukwento ni Armida na nakikita nila ang mga ito at may pagkakataong itinanong nila kung umuwi ka na.
Pinilit ni Dei na ngumiti.
Gina: Sige magpahinga ka na muna, umidlip. Gigisingin kita kapag nakahain na.
Lalabas na sana si Gina ng biglang hinawakan siya ni Dei.
Dei: Pwede po bang dito muna kayo? Samahan ninyo ako.
Gina: Oo naman anak.
Nagsimulang isa-isahin ni Gina ang mga gamit sa kwarto niya, inalala ang bawat bagay kung saan nanggaling at kung sino ang nagbigay. Nagkwento siya tungkol sa mga libro niya nung College at may naalala siya. Hinanap niya ito sa pahina ng mga libro. Natuwa siya ng makita ito. Ipinakita niya sa Ina ang litrato. Kuha sa isang competition nuong college kasama niya ang ilang kaklase at school mate na sumali at nanalo sa competition.
Dei: Ma, tignan mo ito. Yang lalaki sa kaliwa kilala mo?
Gina: Si JR ito ah. Schoolmate mo pala siya.
Dei: Crush ko siya noong college at hiningi ko pa yan sa photographer ng school para magkaron ako ng litrato niya.
Gina: Must be fate na nagkita kayo ulit.
Dei: Siguro po, sana po. Ewan ko din.
Natawa si Gina sa sagot ni Dei pero naisip, "pasasaan ba at maniniwala ka din anak."
Dalawang linggo na si Dei sa Maynila at walang sinayang na oras si Gina para mapalapit dito. Ipinagluluto, sinasamahan sa pamamasyal at inaasikaso niya ito. Nasasanay na din ito na pagusapan ang masasayang alaala nila kasama ang Papa niya. Tumatawag naman si Gina kay Sir Simon at Dr. Angelo kapag may pagkakataon na natutulog si Dei.
Makalipas ang isang buwan. Nakakapagmaneho na si Dei sa Maynila. Unang beses niyang ipinagdrive ang Ina papunta sa isang taping nito at hinintay hanggang matapos at kumain sila sa labas. Nagkataong katatapos lang ng meeting ni Eric sa parehong restaurant kaya nagkita sila. Sinamahan sila nito at maayos naman ang naging pagkikita nila. Pinilit pa ni Eric si Dei na kukuhanan niya sila ng litrato at ipinost ito sa kanyang FB.
Sa Boracay hindi nakaligtas kay Ram ang post ni Eric, ipinakita niya ito kay JR. Nakalagay na caption dito. "It was nice seeing my former GSB (Girlfriend Since Birth) hanging out with her Mom. I'm happy for you Dei."
Ram: at least nilagay niya former.
Hinanap ni JR ang message ni Dei noon sa kanya na "Without you I am like facebook without friends, youtube without videos and google without results." - Richie.
![](https://img.wattpad.com/cover/75447902-288-k132633.jpg)
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.