Chapter 59

2.8K 134 1
                                    

Isang umaga ng kinasundan na linggo, nagpahain ng breakfast si Dei sa beach front resto. Tahimik itong umiinom ng kape ng dumating ang ama-amahan. Kasunod nito si Ram at Krizza.

Tumayo si Dei sinalubong si Sir Simon, niyakap at humalik sa pisngi nito.

Dei: Kamusta na kayo dad, nung isang araw pa ako umuwi sabi nga nasa Davao kayo. Kamusta ang meeting ninyo?

JR: Mabuti naman final meeting yon. Nanalo si JR sa bidding ng isang malaking subdivision.

Naupo na sila para magagahan.

Sir Simon: Ram, tawagan mo si Walter sa kanya mo ibigay ang project. Sabihin mo bumalik na siya sa Summit Holdings as Project Manager. Para ang aasikasuhin mo na lang ay yung current project natin at hindi mo kailangang araw-araw na nasa Manila. Huwag na muna kayo sumali sa bidding, hindi na natin kakayanin.

Ram: Oho Dad.

Krizza: Dad, huwag ho kayong magalala kaya ko naman ho ang sarili ko at dito ho ako magstay sa Summit habang nagbubuntis ako para nandiyan ang nurse at maaalalayan ako. Kaya pwedeng magstay sa Manila si Ram

Dei: Walter? Sino yon Dad.

Sir Simon: Si Walter ang assistant ni JR at Ram dati. Nagkasakit kaya napahinto sa pagtatrabaho, tumawag siya last week tinatanong kung pwede na siyang bumalik. Tamang tama naman kakailanganin natin ang Project Manager sa Holdings habang wala si JR.

Napatingin si Dei kay Sir Simon.  Gusto niyang magtanong pero hindi niya magawa.  Napansin ni Ram yon.

Ram:  Nagskype video call si JR kagabi. Personal na kinausap kami. Nagpaalam na babalik na daw siya sa US. Ngayon ko lang ulit nakitang seryosong nakikiusap si JR. Huwag daw kaming magalala hindi naman daw siya magtatago kailangan lang talaga niya ng panahon para lumayo. 

Krizza:  Darating siya mamaya para kunin ang mga gamit niya at ayusin ang ilang bagay sa bahay niya dahil ibebenta na niya ito at sinabi niya sa Daddy ang mapagbebentahan ang share niya para mapaumpisahan na ang bahay natin sa Balinghai.

Sir Simon: Kasabay nyang uuwi ang Mama mo.  Sinabi ko na gusto kong magkasama-sama tayo sa huling hapunan bago siya umalis.  Hindi ko naman mapahindian si JR kasi nagpapaalam naman ng maayos at nangako naman na tatawagan ako ng madalas. 

Dei: Pero tatlong project ang nakuha niya sa Manila. Papaanong basta na lang niya iiwan ang mga ito? Kahit pa may mga contractor tayo kailangan pa rin ng supervision niya.

Ram:  Kaya nga kukunin ulit natin si Walter para may makatulong ako.

Dei:  Hayaan niyo ho at susubukan ko siyang kausapin. Hindi naman pwedeng sa bawat problema, tatakbo na lang siya at magmumukmok.

Nagkatinginan si Sir Simon, Ram at Krizza.

Sir Simon: Salamat anak, hindi ko alam kung ano na naman ang nangyari sa kanya. Lahat ng klase ng problema sa buhay kaya naman niyang harapin. Iisang problema lang ang alam kong maari niyang takbuhan - problema sa pagibig.  Ikaw ba o ibang babae ang pinuproblema niya.

Dumukot sa bag si Dei at inilabas ang litrato.  Inilapag sa lamesa at ipinakita sa kanila.

Dei:  Tignan ho ninyo, ako yan hindi ba?

Tumulo ang luha ni Dei. Hinawakan ni Krizza ang kamay niya at pinisil.

Dei:  Kahit sinong makakakita niyan sasabihing ako yan. Pero kahit anong kalasingan alam kong hindi ko kayang gawin yan.  Pero sino ang maniniwala sa akin eh ayan at malinaw na malinaw ang litratong yan. Nagalit si Richie ng makita yan. Tinawag niya akong manloloko, tinanong nya kung papano ko nagawa yan sa kanya at hindi niya ako pinakinggan kahit na anong paliwanag ko. Naiintindihan ko naman ho siya eh. Hindi ko din ho siya masisisi kung inisip nyang kaya kong gawin sa kanya yan. Masakit lang ho na hinusgahan niya ako. Siya na akala kong nakakakilala sa akin.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon