Makapananghalian, bumalik na sila sa kani-kanilang kwarto. Pagkatapos magshower, nahiga si JR at Dei sa kama at nagkwentuhan hanggang sa tuluyang nakatulog si Dei. Lumabas si Dei ng kwarto at nagpunta sa opisina ng resort. Nagtanong siya ng activity para sa gabing yon. Napagalaman niya na may isang grupo ng mga kabataan na taga Subic na nagpo-poetry reading sa beach kapag sabado ng gabi at open ito to the public. Nakaisip ng isang plano si Dei, tinawagan si Maxine.
Maxine: Buti tumawag ka nabo-bored ako dito tulog si Uno eh.
Dei: May favor sana ako eh, pwede ka bang sumali sa poem reading tonight?
Maxine: Sige sige, ikaw ba may poem na babasahin?
Dei: Syempre naman. Tsaka can you invite na din sila Trixie sa beach later for dinner, birthday ni JR eh. Sabihin mo surprise ha.
Maxine: Sige tawagan ko na ngayon. Gia, you must love him so much to do this for him?
Dei: Siguro...
Bandang alas sais ng hapon nagising si JR. Wala sa kwarto si Dei, tatawagan sana nya ito ng magring ang celphone niya, sinagot niya ito, si Ram bumabati ng happy birthday. Nakita din niya na may message ang Daddy niya binasa niya ito at tinawagan ang ama. Sinagot din niya ang text greeting ni Krizza, Vinz, Sam at ng iba pang staff ng Holdings at ng Hotel. Napangiti na lang siya. Nakatanggap siya ng message mula kay Maxine.
Maxine: We'll meet you at the beachfront by 7:30pm.
Naligo siya at nagsuot ng black na sports shirt at blue na walking shorts.
Sa restaurant ng resort, habang hinihintay ang oras nagkwentuhan si Dei at Maxine.
Dei: Ready na ba ang poem mo? Tungkol ba yan kay Uno?
Maxine: Parang ganon na nga, alam mo kasi kahit minsan hindi ko pa nasabi kay Uno ang totoong nararamdaman ko eh.
Dei: I will be honest with you Maxine... sa relationship namin ni JR, alam namin na mahalaga kami sa isa't isa, we like each other too much, we care for each other too much pero siguro dahil na rin sa respeto kay Chelsea, never pa namin inamin na mahal namin ang isa't isa.
Maxine: I know the feeling Gia. Ganyan din kasi kami ni Uno eh.
Dei: Huh? Pero, akala ko...
Hindi na natapos ni Dei ang sasabihin dahil nakita niyang naluha si Maxine. Niyakap ito ni Dei.
Maxine: Alam mo Gia, aaminin ko na sa yo. Niyaya kita dito dahil gusto talaga kitang makilala para maintindihan ko si Uno. Kasi naiinsecure ako sa yo eh.
Dei: Maxine, hindi dapat, walang dahilan para maramdaman mo yan.
Maxine: Kasi noon pa alam kong mahal ka ni Uno. Pagkatapos ng interview sa amin noon sinabi niya sa akin ang tungkol sa yo. Na ikaw pa lang ang babaing pinagukulan niya ng atensyon at pagmamahal kahit alam niyang hindi naman pwede pero ginawa pa rin niya dahil mahal ka talaga niya. Kaya nagulat pa ako nung sinabi niya na ilagay ang pangalan mo sa guestlist ng wedding namin. Nang oras na yon sinabi niya na yon daw ang bilin mo at sinabi mo din na huwag naming hayaang maging miserable ang buhay namin dahil lang sa kasunduan dahil pwede naman kaming maging masaya. Thank you talaga.
Dei: Walang anuman, mabait na tao si Uno, masayang kasama, maunawain at responsable. Kahit na sinong babae pwedeng mainlove sa kanya at nakita din naman kita non, maganda ka, edukada, mukhang mabait at sweet kaya alam kong hindi kayo mahihirapang mahalin ang isa't isa. Kaya dapat when you get the chance sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo.
Maxine: I hope tonight will be a very special night for both of us.
Dei: Sana nga.
Samantala kakatapos lang magbihis ni JR ng kumatok sa pinto si Uno. Pinagbuksan ito ni JR.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomansaThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.