Chapter 54

2.7K 140 0
                                    

Nasa kwarto na sila at inaayos ni Dei ang damit sa kabinet.  Tahimik lang ito.  Isang bagay na alam na alam ni JR na ginagawa nito kapag malungkot at nagiisip. Iniwan ni Dei ang tatlong paris ng two piece bikini sa kama.  Napalunok si JR ng makita ang mga ito.  Naupo si Dei sa  kama at bumuntunghininga.  

JR:  O bakit ang lalim naman non.

Dei:  Naisip ko lang, dapat nagdala na lang ako ng one piece eh. Ang lakas ng loob ko puro two piece dala ko ngayon wala akong maisuot. Magshorts at undershirt na lang ako.

JR: No, itong dark blue na two piece ang gusto kong isuot mo.  You can wear a shorts and the lace top over it habang naglalakad tayo tapos hubarin mo na lang kapag magswimming na.

Dei:  Eh baka hindi bagay, sa Boracay ok lang sanay na ako eh dito parang nahihiya ako eh.

JR:  Hon, please let me be the judge of that. Wala kang dapat ikahiya sa katawan o pagkatao mo at kahit anong sabihin nila, wala kang ginagawang masama sa kanila so to hell with them! Proud ako sa kung ano at sino ka at mas kilala kita kaysa sa kanila so wala silang pwedeng sabihin na makakapagpabago non. Sige na, magbihis ka na bago pa magbago ang isip ko at magkulong na lang tayo dito para masolo kita.

Napangiti si Dei. Binitbit ni Dei ang two piece at pumasok sa banyo. Paglabas nya yung two piece lang talaga ang suot.

Dei:  Hon, how do I look like?

Umikot pa si Dei.  Nanlaki ang mata ni JR, napalunok ng ilang beses.  Nagpose pa si Dei at kinagat ang daliri. Napapikit si JR, huminga ng malalim at lumunok. 

JR:  Hon, ang sexy mo, you looked damn hot!  Pwede ba,  if you are not trying to seduce me, please magshorts ka na at magsuot ng lace top dahil you're making it hard for me.

Natawa si Dei, lumapit sa likod ni JR. Kinalabit ito at nagulat si JR na nasa harap na niya ang dalaga at halos magkadikit na ang katawan nila.  Umatras siya ng dalawang hakbang lumapit pa rin si Dei. Bumangga ang binti ni JR sa gilid ng kama at napaupo siya.  Paglapit ni Dei eksakto ang mata ni JR na nakatapat sa malulusog na dibdib ng kasintahan.  Napalunok ito. Umupo si Dei sa kandungan ni JR.

Dei:  Bakit, ano bang problema mo? Hindi naman kita inaano eh.

JR:  Hon, oo nga kaso kapag hindi ka lumayo sa akin baka ikaw ang maano ko.

Natawa si Dei, hinampas sa braso si JR.

Dei:  Buti na lang talaga two piece ready ako nagpascrub at wax kami ni Krizza two days ago. Tignan mo Hon no hairs at no dark skins.

Iniyakap ni Dei ang dalawang braso sa leeg ni JR habang nakaangat ang hita at binti para ipakita kay JR.  Alam ni JR ang kapilyahan ni Dei kaya hinaplos niya ang binti at hita nito na medyo ikinagulat ni Dei.

JR:  Oo nga Hon, no hairs ah. 

Hinagkan niya ang labi ni Dei, marahan pero puno ng damdamin, naramdaman ni Dei ang init ng labi ni JR napalunok ito at tinugon ang halik ni JR

JR:  Hon, magsuswimming ba tayo sa tubig o dito na lang sa kama.

Natawa si Dei,  biglang inilayo ang mukha at tumayo.

Dei:  Hindi na, sige lika na magswimming na tayo.

Napatingin si JR sa pagitan ng hita niya apektado talaga siya.

JR: Sige na mauna ka na sa labas palilipasin  ko lang ito. Ikaw kasi eh! 

Bumungisngis si Dei pero nagsuot na ng lace top at shorts. Eksakto naman na kumatok si Uno sa pinto. Napatakbo sa banyo si JR.  Binuksan ni Dei ang pinto.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon