Chapter 22

3K 138 3
                                    

Kinalunisan alas sais ng gabi dumating si Uno sa Destiny. Inabutan nya si JR at Vinz na  nakaupo sa Beachfront Resto.

Uno:  Bro, kamusta?

JR:  Okay naman, ikaw?

Uno:  Same old thing, wala naman ng mababago pa sa buhay ko.

Malungkot na sabi nito, hinawakan ni JR sa balikat si Uno.

Uno: Si Dei, kamusta?

JR: Mukha namang ok pero ewan ko din, hindi naman nagsasalita pagkatapos mapanood sa TV ang interview mo eh.

Lalong lumungkot ang mukha ni Uno. 

JR:  Napasyal ka? Hinahanap mo si Dei? Mayamaya lang palabas na yon.

Uno:  Magpapaalam na ako Bro, ok na ito at least I've had the chance of knowing her and making her smile. Kapag hindi pa ako nagpaalam sa kanya baka hindi ko na siya maiwan eh. Kaya habang kaya ko pa gagawin ko na.

Papasok ng beach front resto si Dei at natigilan ito ng makita si Uno.Pumikit, huminga ng malalim at humalukipkip si Dei bago ito lumapit sa lamesa nila Uno. Ngumiti siya at pinilit na ipakita kay Uno na masaya siya at ok lang siya.

Dei:  Look who's back?! Kailan ka pa nakabalik?

Napatayo si Uno ng marinig ang boses ni Dei, humarap ito sa dalaga na malungkot ang mukha.

Uno:  Hi.  Kadarating ko lang, dito talaga ako dumeretso.

Bumeso si Dei kay Uno.

Dei:  O bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ako sanay, at hindi bagay sa yo.

Uno: Medyo marami lang iniisip, pwede ba tayong magusap?

Dei:  Oo naman, don tayo sa may beach oh. Vinz, pahingi ng frozen margarita at san mig light.

Nauna ng naglakad si Dei papunta sa beach, nagpaalam si Uno kila JR at sumunod na kay Dei.  Naupo si Dei sa isang beach chair at naupo naman sa buhanginan sa harap niya si Uno.

Dei:  Huwag ka dyan dito ka na lang sa chair oh.

Uno:  Gusto kong makita ang mukha mo eh. 

Tumayo si Dei at umupo sa buhangin sa tabi ni Uno. Binunggo niya ng balikat ang balikat nito.

Dei:  Ok ka lang ba? Masyado kang seryoso eh

Uno:  Hindi eh, hindi ko nga alam kung saan ko sisimulan ang sasabihin ko eh.

Dei:  Let me start it for you.  Nakita kita sa TV, hindi ka telegenic lalo na kapag seryoso at nakasimangot ka. I like the you around here in Boracay, yung masaya, yung laging nakangiti, yung walang ginawa kundi pasayahin ako.  Maganda pala si Maxine, she looked smart, bagay kayo. Congrats pala on the company merger and congrats na din sa engagement ninyo.

Uno:  Dei, please stop it. Stop being nice.

Dei:  I'm not being nice, totoo lang ang sinasabi ko, kaylan ba ako nagsinungaling sa yo?

Uno:  Bakit hindi ka na lang magalit?  Sabihin mo sa akin na pinaglalaruan kita na sana hindi mo na lang ako nakilala?

Dei:  Wala akong dahilan para magalit sa yo, dahil matagal ko ng alam na  engaged ka. Tsaka hindi mo naman ako nililigawan, so really kung masasaktan ako in any way, hindi mo kasalanan.

Uno: Sabi mo masaya kang kasama ako, na naniniwala kang kung magmamahal ako ikaw lang ang mamahalin ko?

Dei:   Oo naman, Timmy, wala kang ibang ginawa kung hindi pasayahin ako, make me feel special. You brought me flowers, you took me out for dinner, you made me happy. Pero hindi mo naman sinabi na nililigawan mo ako at lalong hindi mo sinabi na mahal mo ako. At hindi din naman ako assumming na tao. Oo nakakalungkot, kasi mawawala ka na naman and this time baka hindi ka na bumalik but I understand. I perfectly understand. Favor, just let me be this way kasi mas madali ito para sa akin eh.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon