Nang mga sumunod na araw, pinakita ni JR kay Dei kung papaano siya maging boyfriend. Kung dati itong maalaga, mas maalaga pa ito ngayon sa kanya at mas sweet. Parang prinsesa kung siya ay ituring nito. Kapag nagigising ng maaga, ipinagluluto siya ng agahan; binubuhat para hindi napuputikan ang paa; at kapag kailangan nitong pumunta sa opisina, tumatawag para sabihing nandon na siya, nagtetext bago at pagkatapos ng meeting, tumatawag kapag kakain para tanungin lang kung kumain na siya o may gusto ba siya ipabiling pagkain.
Naging masaya si Dei ng ilang araw na yon. Minsang naglalakad si JR at Dei sa loob ng subdivision, nakita nila si Diane sa harap ng bahay nito, binati ito ni Dei.
Dei: Hi Diane! Ako si Dei, ako yung ate ni Dave.
Diane: Ay kayo po pala, nice meeting you po at kayo po si Kuya JR.
Ngumiti si JR.
Diane: Naikwento na po niya kayo sa akin.
JR: Oh bat nagiisa ka dito sa labas ng bahay ninyo? May hinihintay ka ba?
Diane: Yung isang kaklase ko po kasi ang sabi tutulungan niya ako sa assignment namin, kanina ko pa hinihintay hindi naman dumadating.
Dei: Tungkol saan ba yan? Baka may maitutulong ako.
Diane: Talaga po?
Dei: Susubukan ko, tungkol saan ba?
Diane: Making and writing a menu po. Ang totoo po, itatanong ko nga sana kay Dave kung marunong kayo kasi sabi niya F&B Manager daw kayo, kaso po may klase pa siya di ba kaya hindi ko na itinext.
Dei: Sige tuturuan kita, ok lang ba don na lang sa bahay?
Diane: Sandali po, magpapaalam lang ako.
Pumasok ito sa bahay, mayamaya kasama nitong lumabas ang Nanay niya.
Diane: Ma, si Ate Dei po at Kuya JR sila po yung mayari nung bahay na pinagtatrabahuhan ni Dave.
Dei at JR: Good afternoon po Mrs. Gomez.
Zeny: Good afternoon, Zeny na lang. Nabanggit nga ni Dave na nagtatrabaho siya sa inyo. Ikinagagalak ko kayong makilala.
Dei: Nice meeting you din po.
Diane: Ma, ok lang po ba? Magpapaturo lang po ako ng assignment kay Ate Dei?
JR: Diyan lang po kami nakatira sa pang apat na bahay mula dito yung black na gate ho.
Zeny: Oo sige, salamat Dei ha. Minsan nahihirapan din ako hindi ko matulungan itong si Diane, wala naman akong alam diyan sa HRM na yan eh.
Dei: wala po yon, basta kapag may assignment ka sabihin mo lang kay Dave kahit wala ako dito alam ni Dave kung papano ako tatawagan.
Zeny: Hay naku mabuti naman, mabait at mapagkakatiwalaan naman yung si Dave eh, mabuti nga magkaklase sila sa ilang subjects.
JR: Responsable, mapagkakatiwalaan ho si Dave. Apat na taon na ho siyang nagbabantay ng bahay ko wala akong naging problema sa kanya.
Dei: Ano, lika na para matapos tayo ng maaga. Kapag inabot ho ng dilim, ihahatid na lang ho namin siya.
Zeny: Sige salamat sa inyo.
Pagdating nila sa bahay ni JR, sa may veranda pumwesto si Dei at Diane. Gumawa naman ng miryenda si JR.
Diane: Ang ganda naman po dito. May view pala ng dagat dito.
Dei: Oo, dito ako madalas maupo kasi nakakarelax panoorin ang dagat. Gusto mo din ang dagat?
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.