Naging busy sila ng mga sumunod na linggo dahil sa dami ng guests sa hotel para magbakasyon. Bihira silang magkasalo-salo sa pagkain pero kadalasan naaalala ni JR at Dei ang isa't isa kapag kumakain. Katulad ng minsang magmeryenda si Dei at umorder ng club house sandwich. Hindi niya naubos ito, natira ang kalahati
Dei: Pakidala na lang yan kay JR Sam, hindi ko na maubos eh paki dagdagan na lang ng french fries at lemonade baka hindi pa nagmemeryenda yon eh.
Mayamaya nakatanggap ng text si Dei mula kay JR. "Thanks sa meryenda!" Ngumiti lang si Dei
Nung minsan namang may meeting si JR sa isang japanese restaurant. Paguwi nito ay may dalang pasalubong kay Dei.
JR: Vinz nasan si Dei?
Vinz: Nasa office pa niya, may tinatapos pa. Hindi pa nga kumakain yon eh magaalas otso na. Eto oh iayos mo sa plato, tapos dalhan mo ng ice tea sa opisina nya. Para makakain kahit nagtatrabaho.
Sinunod naman ito ni Vinz, umakyat na si JR sa penthouse para magpahinga. Mayamaya nagtext si Dei. "Thanks for dinner ang sarap naman nito.!" Napangiti lang si JR.
O kaya naman ay gumagawa sila ng mga bagay bagay para sa isa't isa. Minsang may dumating na event client si Dei, si JR ang nagasikaso at naglibot dito. Minsan namang may guest ang hotel na nagreklamo si Dei ang nagpunta para asikasuhin ito.
At madalas nagpiprisinta si JR na sunduin si Dei kung saan man ito nandon. Katulad ng hapon na yon
Sir Simon: Vinz, pakisundo muna sa Summit si Dei nagtext na tapos na daw ang meeting niya.
JR: Dad, ako na ho susundo, marami pang ginagawa si Vinz at hindi pwedeng silang dalawa ni Dei ang wala dito.
Sir Simon: Ok mabuti pa nga.
Pagdating ni JR sa Summit nasa harap na ng resort si Dei,
JR: Hi!
Dei: Oh bakit ikaw ang nandito? Nakakahiya, dapat sinabi na lang na hindi ako masusundo ni Vinz pwede naman akong magpahatid sa service ng resort
JR: Ok lang nakatunganga lang din ako don at naaalibadbaran na yata si Daddy sa mukha ko kaya pinalayas ako eh
Natawa si Dei. Sumakay ito at tahimik lang na nakinig sa music. Nang may nakita silang fishball stand.
Dei: Itabi mo muna
JR: O bakit?
Dei: Gusto kong kumain non oh. Ok lang?
JR: Oo naman
Bumaba sila at bumili. Ng makuha na ang fishballs at squid ball, sumandal si Dei sa kotse.
Dei: Namiss ko kaya ito. Naalala ko sa Lasalle non lagi akong inililibre ni Ram nito don sa may MRT station.
JR: Crush mo si Ram nung College?
Dei: Hindi no! He is five years older than me. Tsaka lagi nga nya akong niloloko non eh, bata batuta tawag sa akin. Pero inspiration ko talaga si Ram bilib ako sa kanya eh. Sabi ko gagayahin ko siya. Hindi ako titigil magaral kahit nakagraduate na ako.
JR: Two years ahead lang ako sa yo, hindi mo ako kilala noon?
Dei: Kilala... lagi kaya tayong magkasama sa school bus kapag may competition. Tsaka sinong hindi makakakilala kay Richie Santillan-Perez eh lahat halos ng kaklase ko marinig lang pangalan mo kinikilig na. Ako ang hindi mo kilala, siguro nga ni hindi mo man lang ako nakita eh.
JR: Gia the brain, nakasalamin. Lagi kang naka upo 2nd row sa likod ng school bus kapag may competition at paborito namin ang stall ninyo kapag fair kasi masarap ang pizza roll at chicken empanada. Ang nerd na maraming nanliligaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/75447902-288-k132633.jpg)
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomansaThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.