Matapos maubos ang isang bote ng J&B nagpaalam na ang bisita ni Tatay Enteng. Nagpaalam na din itong matutulog na.
Tatay Enteng: Oy mauuna na akong matulog sa inyo ha. Alam ninyo kapag tumatanda na humihina na ang resistensya sa paginom. Inaanak, huwag ka ng magmaneho kung hindi na kaya ha.
JR: Oho, Ninong, huwag ho kayong magalala, wala pa ngang tama eh.
Tumayo si Vinz at JR at pumunta sa may bornfire. Magkatabi sa gitna ng isang banig si Sam at Dei, nakaakbay pa si Dei kay Sam. Umupo si Vinz sa tabi ni Sam at umupo naman si JR sa tabi ni Dei.
Jessa: Oy nandito na sila sir masaya ito. Tagayan na yan!
JR: dito na lang ako sa J&B
Allan: si Sir JR marunong pumili ng tatabihan oh.
JR: oh bakit naman?
Vinz: Mamaya you'll see, bibigyan natin si Sir ng isang initiation
Nagtawanan ang lahat.
Greg: Huwag kang magalala Sir, ito ang initiation na hindi ka na nasaktan nagenjoy ka pa.
Vinz: Nakakailang tagay na ba si Storm?
JR: Teka bakit Storm ang tawag ninyo kay Dei?
Sam: Storm in tagalog Bagyo, malakas ang dating! Lalo na kapag nakainom.
Dei: Usapang matino ha, nakakarami na ako ng inom... what you see here, hear here stays here.
Jess: don't worry Ms. Dei, your secret is safe with us.
Justine: Umiinom lang sya kapag kasama namin or nagiisa don sa beach habang nanonood ng sunset. Kaya kapag nayaya ka niya sa inuman ibig sabihin at ease siya sa yo. Hindi siya nahihiya kahit makita mo kung pano siya kapag nalalasing.
Dei: Oo kasi baliw-baliwan ang peg ko pag nalalasing
Vinz: kami ni Sam ang una nyang naging kabarkada, eventually may mga pangyayari na nakuha ng bawat isa sa amin ang tiwala nya. Niyayaya niya sa saturday night nila hanggang sa eto na kami. Wala ng nadagdag pa. After one year and 6 months, ikaw pa lang bro ang nadagdag. At mukhang nakuha mo na din ang tiwala nya kasi kung hindi, hindi iinom yan ng nandito ka.
Vinz: Basta bro magobserve ka lang.
Pagkatapos ng dalawang ikot ng shot, sumandal na si Dei kay JR. Pagkatapos ng isa pa nakahawak na ito sa hita nya.
JR: Dei, ok ka pa?
Dei: I think am a little tipsy.
Hinaplos ni Dei ang jawline ni JR. Inilapit ang mukha just inches away from his
Dei: Ikaw?
Napalunok si JR
JR: Ok lang... kaya pa naman.
Naghiyawan ang mga kaibigan nila...
Vinz: Gia is in the house!
Justine: Lunok lang Sir
Tawanan sila ng tawanan.
Tumayo si Kathy. Pinatugtog ang beyonce Cd... tumunog ang Single Ladies.
Kathy: let's go ladies!
Nakasandal si Dei kay JR pero umiindak ito, sumasayaw na si Kathy at Jessa. Hinila nila si Dei
Dei: Teka hindi ko na yata kaya eh.
Kathy: kaya mo yan Storm!
Dei: Teka wala sa tyempo ang sayaw ko.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.