Kinabukasan ipinakita ni JR sa lahat ang pagkagiliw at pagaasikaso kay Dei. Nakigulo ito sa kitchen ipinagluto si Dei ng mushroom and onion omelet, bacon at buttered garlic frankfurters. Naghain sa isang table sa Lobby Lounge. Nang tanungin ng staff ang sabi niya, "nagpapaimpress ako eh, nanliligaw." Tinukso siya ng mga ito. Pinaakyatan niya din ng breakfast ang pamilya. Umakyat din siya para magshower at mabihis.
Alas sais pa lang gising na si Dei pero ng magising siya wala na si JR. Dahil malamig namaluktot siya at nanatiling nakahiga pero gising na gising ang diwa. Naisip niya ang nangyari ng nagdaang gabi ang paghalik ni JR sa kanya at ang paghalik niya dito. Hanggang sa makatulog siyang muli. Napabalikwas si Dei ng makarinig ng ingay galing sa labas. Tinignan ang relo, alas otso na ng umaga. Natarantang pumasok ito ng banyo at naghanda para magtrabaho. Dumeretso siya sa kitchen...
Dei: Julie, bakit hindi ninyo ako ginising? Anong petsa na? Ano inilabas nyong breakfast?
Julie: Good morning Mam, pasensya na po, ayaw po kayong ipagising ni Sir JR, late na daw po kayong nakatulog eh. Sabi sa akin, Dei believe that this kitchen is capable of running without her supervision. So show her that. So, I checked the inventory, best set breakfast based on supply Mam, is all Filipino tapsilog, tocilog, longsilog and daing na bangus. Tapos pinagluto po kami ni Sir ng Arozcaldo.
Dei: Good job Julie. That was actually what I was thinking. Marami ng nagbreakfast?
Julie: Yes mam, puro room service, palibhasa hindi gumagana elevator. Pati si Sir VInz at si Sir JR nag hatid ng breakfast eh. Para ma-exercise daw po sila.
Dei: Eh di mabuti! Jules, pahinging breakfast.
Julie: Mam, kanina pa po ready breakfast ninyo. Nandito po si Sir JR ng maaga ipinagluto kayo ng breakfast. Nung tanunging ng staff ang sabi nagpapaimpress daw sya kasi nanliligaw siya sa yo.
Dei: Ano? Talagang nag-announce pa siya ha.
Julie: Siya din po ang nagset ng table, nandon po sa Lobby Lounge, puntahan niyo na nakakaawa naman eh
Nagpunta si Dei sa Lobby Lounge. Bumati ang staff ng good morning. Nakita nyang tumayo si JR ng makita sya. Natatawa na lang din siya.
JR: Good morning! Dito ka na oh.
Hinila nito ang upuan para sa kanya. Nanukso naman si Vinz. Umupo si JR sa tabi niya.
Dei: Bakit hindi mo ako ipinagising?
JR: Napuyat ka kagabi eh, don't worry magaling naman ang kitchen staff mo eh. 85% na nga ang natapos magbreakfast eh.
Dei: Kahit pa, I don't like being late for work.
JR: Sorry, I just thought you need more rest.
Dei: O akala ko ba Filipino breakfast , ano 'to?
JR: Hindi ka naman kumakain ng kanin sa breakfast eh. Sam, can you get Dei whatever she wants. Tapos pakiligpit na lang ito.
Dei: Hindi ko naman sinabing ayoko, I was just asking kung ano ito? Is this breakfast made for me?
JR: Supposedly.
Dei: Well, thank you then.
Hindi na kumibo si JR, tahimik na lang itong kumain. Alam ni Dei, may hindi nagustuhan si JR sa sinabi niya. Kasi naman ang pagkasarcastic niya nauunang lumabas eh! Pagkatapos kumain, humingi ng Kape si Dei. Pagdating ng kape niya, tumayo siya at binitbit ito.
Sam: Sir JR, dessert po ninyo.
Dei: Nasa office lang ako if you guys need me.
Umalis na ito.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomansaThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.