Chapter 58

2.6K 132 1
                                        

Ilang araw na ang nagdaan pero hindi pa rin nagkikita si JR at Dei.  Dalawang araw niyang sinubukang matyempuhan ito sa mansyon pero maaga itong umaalis at kapag dumadating naman siya nakakandado na ang kwarto nito. Sa bawat pagkakataon kahit hindi niya alam kung nasa loob ba ng kwarto si Dei, kinakausap ito ni JR at  humihingi ng tawad.  Sa bawat pagkakataon ay nandon si Dei at naririnig siya nito.  Kahit mahal niya ito, gusto niyang malaman kung talagang mahal siya nito.  Matapos ang nangyari natatakot na kasi siya.

Sabado ng umaga ng magising si JR sa tili ni Gina.

Gina:  Aaaayyyyy! talaga? Naku matutuwa si Dei nyan Krizza. Alam na ba ng Daddy ninyo?  Ilang weeks na ba?  Sige, hayaan mo at sasabihin ko kay Dei at JR.

JR:  Tita, napapano ho kayo?  Narinig ko ang sigaw ninyo eh.

Gina:  Naku pasensiya ka na anak, si Krizza kasi tumawag eh... may magandang balita, buntis na siya.   8 weeks na.

JR:  Aba! good news talaga yan.  Teka matawagan nga si Kuya.

Nagising din si Dei kaya nawala sa isip nitong napalabas ng kwarto na pupungaspungas.

Dei:  Ma, ano bang nangyari at humihiyaw ka?

Gina:  Naku anak, siguradong matutuwa ka sa ibabalita ko sa yo.  Si Krizza 8 weeks pregnant na!

Dei:  Ho?  Talaga ho? 

Gina:  kakatawag lang ni Krizza, sa yo daw siya tumatawag pero ring lang ng ring kaya tumawag sa akin.

Sumungaw ang ngiti sa labi ni Dei. Isang ngiting nami-miss na ni JR.  Kausap na nito si Ram. Nagtatakbo si Dei sa kwarto at tumawag kay Krizza.  Matagal din na nagusap ang dalawa.    Kaya hindi na nagpumilit pa si JR na makausap si Dei, tama na sa kanya na alam niyang masaya ngayong araw si Dei dahil magkakaroon na ito ng pamangkin.  Tahimik na umalis si JR  para pumunta ng opisina.

Makalipas ang dalawang araw paguwi ni JR, dinatnan niya si Gina na nakaupo sa garden.  Lumapit siya dito at nagmano.

Gina:  Maupo ka JR, may itatanong lang ako.

JR:  Ano po yon Tita?

Gina:  Napapansin ko  hindi na kayo sabay na pumapasok at umuuwi ni Dei, may problema ba?

JR:  Ang totoo Tita, may nangyari bago kami umuwi galing ng subic.  May mga masasakit na salitang binitiwan.  Kaya ngayon galit ho siya sa akin, hindi ko naman ho siya masisi kung hindi niya ako makuhang patawarin kasalanan ko naman ho.

Gina:  Mahal mo bang talaga ang anak ko JR?

JR:  Ngayon sa harap mo tita kaya ko ng sabihin na mahal na mahal ko si Gia. Gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako.  Kahit na masakit na hindi niya ako kinakausap o kinikibo  ok lang ho yon because I deserve it.  Basta masiguro ko lang na ok siya tama na sa akin yon.

Gina: Maniwala ka JR, mahal na mahal ka ng anak ko.  Kung nagagawa ka man niyang hindi kibuin alam kong mas masakit para sa kanya yon dahil alam ko kung gaano ka kamahal ni Gia. Pero pareho nating kilala si Gia  hindi siya madaling suyuin, hindi siya madaling magpatawad.

JR:  Alam ko ho Tita, sa totoo lang nawawalan na ako ng pagasa. Minsan na akong nawalan ng minamahal medyo mahina na po ang fighting spirit ko eh. Natatakot na ho ako, dahil sa pangalawang beses na nagmahal ako , baka hindi ko na kayanin na mawala pa siya sa buhay ko.

Hindi na napigilan ni JR ang pagtulo ng luha. Pinahid niya ang luha.

JR:  Pasensya na ho kayo Tita. Matapang ako at hindi ako iyakin na tao. Wala akong kinatatakutan pero ang isipin ko lang na mawawala si Gia sa akin parang talon na bumubuhos ang luha ko.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon