Chapter 33

2.8K 129 3
                                    

Anim na buwan na ang nakaraan simula ng magsimula ang "exclusively dating" set up ni JR at Dei at lalo namang naging close ang dalawa.  Pero kung may nagaalala sa set-up na ito yun ay si Ram.  Simula ng tanungin siya ni Dei kung naniniwala siyang nakamove-on na si JR kay Chelsea, naiisip na niya ito. Ayaw niya masaktan si Dei kung sakali at ayaw din naman niyang makasakit si JR.

Isang araw pagkatapos nilang magdiving at habang nagpapahinga tinanong niya si JR.

Ram:  Bro, can I ask you a question?

JR:  Shoot bro! Ano yon?

Ram:  Kamusta kayo ni Dei?

JR:  We are getting tighter every day. Very close bro.

Ram:  So, kayo na talaga?  Girlfriend mo na ba siya? Are you that close for you to be able to say that you love her?

JR:  Hindi pa kami.  Why did you ask?

Ram:  Concerned lang.  Ayokong masaktan si Dei. At sa totoo lang kahit saan ko tignan loosing end si Dei dyan sa situation that you put her in.

JR:  Pano mo nasabi iyan?

Ram:  Hindi naman kayo eh, wala kayong relationship, wala kayong commitment and the only commitment you have with her is to not go out with someone else.  So, kung sakali lang wala siyang karapatang magselos or magalit sa yo to whatever you do besides date someone else.  Because you just like her nothing more.  Dei can easily fall for you, alam mo ba yon?  Kung si Uno nga lang na ilang buwan lang niyang nakasama hindi pa siya niligawan iniyakan niya.  Ikaw pa kaya? Eh kalahating taon na kayong ganyan.

Hindi nakaimik si JR. Matagal na nagisip.

Ram:  Hindi sa nakikialam ako Bro, kapag nakikita ko kayo, lagi lang pumapasok sa isip ko ang sinabi ng Daddy noon sa akin.  Dei, has the ability to hide her pain, katulad na lang ng masaya siya buong araw pero pagdating ng sunset she would go out and sulk while watching the sunset.  Or katulad nung kay Eric na sinaktan siya pero hindi siya nagsalita or yung kay Uno na masaya siya yun pala alam niyang engaged na ito.  Dei, will take whatever you give her kasi yun lang ang kaya mong ibigay even if she knows she deserves more.  Hindi siya magrereklamo kasi para sa kanya...  noon nga she does not have anything, so bakit sya magrereklamo eh ibinigay mo na sa kanya ang oras mo.  Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?

JR:  Oo Kuya. Alam ko naman that she deserves more. 

Ram:  Then why don't you give her what she deserves?  Give her the man who loves her wholeheartedly, without conditions, without limitations and without a doubt in his head especially in his heart. Besides, natatakot din ako na magback fire yan sa yo, Pano kung biglang sabihin sa yo ni Dei na ayaw na niya. She wants out of the situation, anong gagawin mo?

Isang hapon, may dumating na sulat para kay Dei galing sa Uncle niya. Kasalukuyang nasa beach front resto ang pamilya Perez nang oras na yon.  Nagulat sila bigla nitong tinawag si Krizza, nagmamadali naman itong pumasok sa opisina ni Dei.

Krizza:  Oh bakit

Dei: Krizza sulat ng Uncle ko, tinatanong ako kung gusto kong pumunta ng US.  May nakita daw silang location para sa restaurant.

Nagkatinginan silang dalawa. 

Krizza:  Punta tayo sa Papa mo?

Lumabas silang dalawa para pumunta sa beach front. Pagtapat nila kay Sir Simon

Dei:  Dad, kamusta ka daw sabi ni Uncle Daniel.

Sir Simon:  Mabuti at sumulat na sa yo ulit.

Dei:  Dito po muna kami sa beach front.

by the seashoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon