Isa-isa ng nagdatingan ang mga kasali sa Flores de Mayo. Nakapagbihis na ang mga ito. Nasa iisang table naman Si Mayor Yap at Sir Simon kasama ang head ng committee na si Imee. Nasa katabing mesa nito sila Ram, Krizza, JR, Bea, Jasmine at Vinz.
Chineck ni Dei ang buffet table at ng makitang okay na. Pinuntahan ang ama-amahan at si Mayor at niyaya ng kumain. Nagpakuha na lang sa kanya ng pagkain ang matanda kaya kasabay niyang kumuha ng pagkain ang Mayor. Nang madala sa lamesa ang pagkain, iniwan na ni Dei ang mga ito at inasikaso ang ibang bisita. Isa-isa ng kumuha ng pagkain ang mga nandon. Sinigurado naman ni Dei na may mga iced tea at tubig na ang lahat ng lamesa.
Mayamaya pa bumalik na ulit ito sa upuan sa pagitan ni Mayor at ni Imee. Ipinatong ni Mayor Yap ang braso nito sa upuan ni Dei kung saan nakasandal ang dalaga. Maya't maya may ibinubulong ito kay Dei. Si Dei naman nakikipagkwentuhan lang, ngumingiti kapag kailangan.
Mayor Yap: Are this all your recipes? Masarap lahat but I like the cordon bleu lalo yung sauce and the pasta.
Dei: Lahat are basic recipes na nilagyan ko lang nga twist para maiba ng konti or sumarap lalo. Yung cordon bleu and its sauce and the pasta is an original recipe. Glad you liked it.
Hindi naman mapakali si JR, panay lang ang inom hindi makakain ng maayos. Naiinis siya sa nakikita niya. Makalipas ang isang oras. Hindi na talaga nakatiis si JR. Lumapit kay Dei at kunyaring may ibinubulong. Hindi ito marinig ni Dei,
Dei: Hindi ko maintindihan don nga tayo sa labas
Nagexcuse si Dei sa Mayor at sa Daddy niya. Lumabas sila ng events hall at tumayo dalawang dipa ang layo mula sa CR.
JR: Tinatanong ko kung kumain ka na?
Dei: Hindi pa wala akong gana eh.
JR: Kuha na kita ng food tapos don ka na lang maupo sa mesa namin. Ano ba kasing ginagawa mo sa lamesa nila Daddy?
Dei: Eh di nageentertain ng bisita. Sabi ng Daddy samahan ko sya eh.
JR: Dikit pa ng dikit sayo yang si Mayor, nakakainis!
Dei: Ano bang problema mo? Pinagagalitan mo na naman ako ng hindi ko alam kung bakit. Teka nga CR muna ako, nahi... bigla ito natumba at bumagsak sa harap ni RJ, nasalo niya ito.
JR: Dei, dei gising! Binuhat niya ito.
Palabas ng CR si Krizza at nakita sila.
Krizza: anong nangyari?
JR: Hinimatay eh, dadalhin ko kay Dr. Angelo, pasabi kay daddy masama ang pakiramdam
Kitang kita ng lahat ng nasa labas ng event room kung pano nataranta si JR. Sinisigawan nito ang bawat makasalubong... OUT OF MY WAY!!! Sumakay ito ng elevator, pilit na ginigising si Dei pero talagang walang malay ito. Paglabas ng 6th floor. Sinipa sipa nito ang pinto ng kwarto ng doctor at sumisigaw, naglabasan tuloy ang ilang guest. Bumukas ang pinto tumakbo papasok si JR at inihiga si Dei sa kama.
JR: Angelo, bigla na lang siyang bumagsak sa harap ko eh. Tell me kung kailangan ko syang dalhin sa ospital
Angelo: Relax pati ako natataranta sa yo eh, don ka muna sa labas.
JR: Sorry...
Lumabas ito at ng makita na may mga tao sa labas ng mga room.
JR: Sorry to disturb you one of our Managers just fainted.
Guest: It's ok. I'm sure you're just worried.
Dumating si Ram at Krizza.
Ram: Relax ka lang pati ikaw namumutla eh.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.