Naiwan sila Ram, JR, Dei at Krizza para magligpit ng kinainan. Naupo naman sa terrace, habang umiinom ng tea si Sir Simon at Gina.
Nang matapos magligpit ng lamesa. Pumuwesto na si Dei sa lababo para maghugas ng pinggan. Tumabi sa kanya si Krizza para tumulong.
Dei: Maupo ka na don, napagod ka na sa pagtulong sa akin na magluto eh. Pahinga ka na muna. Kuya itong asawa mo ialis mo na dito.
Ram: Ok sis, natutuwa talaga ako kapag tinatawag mo akong Kuya, you are the baby sister I never had before.
Dei: You are the best kuya there is Ram lalo na at malapit na akong magkapamangkin.
JR: Sige na dito na lang kayo sa lamesa ako na ang tutulong dyan.
Naupo naman si Ram at Krizza sa mga upuan na nasa may working table sa kitchen.
JR: Tulungan na kita. Ako na ang magbabanlaw.
Tumango lang si Dei. Nakipagkwentuhan sila kay Ram at Krizza habang naghuhugas ng pinggan.
JR: Nagpacheck up na ba yang si Krizza Kuya, may mga vitamins na ba ang baby.
Ram: Hindi pa, nagpapregnancy test pa lang kami tapos ultrasound para malaman kung ilang weeks na. Next week pa ang unang check up nila pang 10th week. Irregular kasi ito. Kaya hindi talaga namin alam na buntis na pala siya, nagbakasakali lang kami kasi delayed na naman ang menstruation niya.
Krizza: Ikaw ba Sis regular?
Dei: Oo, bakit mo tinatanong.
Krizza: Wala, at least kapag ikaw ang nadelay eh di madaling malaman kapag nabuntis ka.
Ram: Pssst, bro. May nangyari na ba?
JR: Ni ayaw nga akong kausapin pano may mangyayari? Kung tinatanong mo naman bago pa yon. Wala hindi pa ako nakakasecond base bro. Pero ok lang bro kaya kong maghintay tsaka yan munang baby ninyo ang asikasuhin natin.
Dei: May morning sickness ka na Sis? Or craving for food?
Krizza: Konti, kahapon pagkagising ko para akong sinisikmura. Yung cravings for food mahirap malaman kasi kahit naman hindi ako buntis lagi akong may mga cravings eh.
Ram: Pero nitong mga nakaraang araw mahilig siya sa manga. Chilled ripe mangoes, mango cheesecake, mango juice at mango ice cream. Pero ayaw naman niya ng manggang hilaw.
JR: Eh di ba yun ang gusto ng mga naglilihi yung manggang hilaw at bagoong?
Natapos ng maghugas ng pinggan ang dalawa. Nakiupo din ito sa working table. Inilabas ni Ram galing sa freezer ang mango ice cream, tumayo si JR para kumuha ng ice cream cups at kutsarita at kumain sila.
Krizza: Alam mo Richie, ang cute ng dimples mo, ngumiti ka nga.
Ngumiti naman si JR. Kinurot ni Krizza ang pisngi nito. Nagkatinginan si Ram at Dei.
Ram: Babe, mukhang pinaglilihian mo ang dimples ni bro ah.
JR: Ayaw mo non kuya eh di ang cute ng baby ninyo.
Dei: Asan ang cute? Aling banda?
JR: Aray ko naman, barado na naman ako kay Ms. Sungit!
Nagtawanan si Krizza at Ram.
Dei: Mahirap ba magbuntis at maglihi Sis?
Krizza: Medyo, madaling hingalin, madaling sumakit ang likod at hindi ka pwedeng magexercise at magdiet kasi maya't maya gutom ang baby sa tyan. Ngayon alam ko na kaya pala marami sa mga buntis mataba. Pero sabi ng Nanay ko basta, iwasan ko daw ang chocolates at softdrinks at bawasan ang pagkain ng kanin para hindi ako tumaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/75447902-288-k132633.jpg)
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomantikThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.