Maagang nagising si JR para iset-up ang motocross awarding event nya. Bitbit ang posters at tarpoline tumatakbo ito papunta sa room kung saan gagawin ang event nya. Pagpasok niya sa Vanity room, nagulat siya na nakaayos na ito. May limang table for 10 with table clothe and chairs with covers, nakaset up ang table with knives, spoons, forks and water goblet. May maliit na stage kung saan nakapatong sa gitna ang table na kinalalagyan ng mga trophies at sa tabi nito ay mga items ng Destiny tulad ng mug, cap at t-shirt. Nakita nya si Liza ang secretarya ni Dei na nagpapaset-up ng table sa labas ng pinto.
JR: Liza, good morning.
Liza: Good morning Sir, ay akin na po yang dala ninyo at ipapakabit na natin.
JR: Kaylan nagbigay ng instructions si Ms. Dei para sa event ko?
Liza: 3 days ago po. Bakit Sir may problema po ba?
JR: Wala, this is actually more than what I expected, so tell your boss, Thanks.
Liza: Sir, pahingi po ng list ng awards at winners. Tapos ang program po is Opening remarks, raffle, awarding, closing remarks? O baka may idadagdag pa kayo?
JR: Wala na, Liza, pwedeng pakicontact si Vinz paki sabi gusto ko siyang makausap.
Tinawagan naman ni Liza si Vinz. Mayamaya pa dumating naman si Vinz.
Vinz: O bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang itsura dito?
JR: No, actually nagulat nga ako eh.
Vinz: Well, you paid so we are giving the same as what we usually do for the clients medyo parang may favoritism nga lang kasi may 20 raffle prizes ka pa directly from her office. Never pang nangyari yan.
JR: Well, since binigyan niya ako niyan pwedeng pahiram ng CD ng resort. Ipapakita ko na ang Iet the resort be the sponsor of the event. Para makabawi naman ako sa kagandahang loob niya.
Tumatakbong papalapit sa kanila si Sam.
Vinz: O bakit tumatakbo ka?
Sam: May problema sa kitchen, at hindi ko macontact si Ms. Dei
Nagmamadaling nagtungo ang tatlo sa kusina.
Vinz: Anong nangyari?
Julie: Sir, napanis ho yung kare-kare para sa lunch ng tournament awaring.
Vinz: Ano? Papaanong nangyari yan? Sinunod niyo ba ang ibinilin ni Dei?
Julie: Opo Sir. Kaso ho pagdating ko kanina sabi ni Manong niluto na daw niya at nilagyan ng gulay. Tapos ayan po may bula na.
Vinz: Manong, bakit ninyo pinakialaman yan? So, pano niyo reremedyuhan yan ngayon? Kaya mo bang akuin ang kapalpakan na yan? Baka kulang pa ang sweldo mo pambayad sa rekadong ginamit dyan. Naku, paiinutin ninyo ang ulo ni Dei niyan eh.
Julie: Call all the kitchen staff at walang aalis hanggang hindi dumadating si Dei at magisip na kayo ng paraan kung papano niyo lulutasin yan. Isa pa, magdasal na kayo na sana maganda ang mood ng boss ninyo!
Tinawagan ni Vinz si Dei.
Vinz: Hey girl, alam kong ayaw mong magpaistorbo pero may malaking problema tayo eh. Nasa malapit ka lang ba?
Dei: Vinz, anong nangyari? Oo, nasa malapit pa lang.
Vinz: Napanis yung kare-kare eh!
Dei: ANO? I gave specific instructions to Julie and Manong. Papaanong...
Vinz: Punta ka na lang please, baka maremedyuhan mo pa. Hindi namin alam ang gagawin eh.
Dei: Vicente, alam mong ayokong nakikita ako ng iba in this outfit.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.