Makalipas ang dalawang araw, bumalik si Dei sa Boracay para magpaalam. Flight na niya ng gabing yon. Naiemail na niya ang flight details niya sa office naka-CC ang lahat ng officer ng Summit sa email niya kaya alam niya matatanggap ni JR ang email. Nakapagpaalam na din siya sa Home Cuisine. Kausap niya si Vinz at Sam sa beach front resto ng dumating si Ram at Krizza. Naupo ang mga ito sa katabing upuan.
Ram: Ready ka na ba talaga? Yan ba talaga ang gusto mong gawin?
Dei: Oo Kuya, sure na ako. Double purpose naman makakadalaw na ako sa Uncle ko at mabibigyan pa namin ng time ni JR ang mamiss ang isa't isa.
Krizza: Nagpaalam ka ba sa kanya?
Dei: Hindi na baka mahirapan pa akong umalis eh. Naka-CC naman siya sa email ko sa office so am sure makikita din niya ang flight details ko. Tsaka nasa table niya ang leave form ko so alam naman niya siguro na naka-indefinite leave ako.
Ram: Naku, baka mabaliw yon, sana nagsabi ka man lang.
Dei: Kuya, babalik naman ako agad eh. Tsaka may iniwan akong sulat sa table niya.
Dumating si Sir Simon. Lumapit si Dei dito at niyakap ito.
Sir Simon: Oh, anong oras ka namin ihahatid sa Manila?
Dei: Sa Caticlan ninyo na lang ho ako ihatid. Nakaconnecting flight ako from Caticlan to Manila then Manila to Hongkong, Hongkong to LA. Alis po tayo ng mga 5:30 or 6pm gusto ko po maaga ako sa airport eh.
Buong umagang nagkwentuhan lang sila ng kung ano-ano. Samantala, hapon na ng matapos ang lahat ng meeting ni JR sa opisina ng Summit Holdings. Inasikaso ni JR ang IN - tray niya. Nasa kalahati na siya ng mga kailangan niyang pirmahan ng makita niya ang leave form ni Dei.
JR: Indefinite Leave, bakit indefinite leave? At pirmado ng Daddy?
Tinawag niya ang head ng HR.
JR: bakit kayo pumayag na indefinite leave?
HR Head: Sir, kasi pirmado na ni Sir Simon at ang sabi ni Mam, hindi daw kasi siya sigurado kung ano pang mga kailangan niyang gawin para sa pamilya niya doon. Malamang daw mga 2 weeks lang pero ayaw niyang time conscious siya kaya ayan. Pasensya na ho Sir akala namin alam ninyo eh.
JR: Sige, salamat na lang.
Tinapos na ni JR ang mga paper works niya. Nagbukas siya ng computer, nagcheck ng email at nabasa niya ang flight details ni Dei. Kukunin niya sana ang cellphone niya sa drawer para tawagan si Dei pero nakita niya ang isang envelope doon na may pangalan niya. Dali-dali niya itong binuksan.
Dear Richie,
I'm sorry, hindi na ako nagpaalam sa yo kasi baka hindi ko pa makayang umalis kapag nakita kita eh. Richie, gusto kong malaman mo na nagpapasalamat ako sa Diyos na dumating ka sa buhay ko, binago mo din ang buhay ko. Marami akong natutunan sa yo tungkol sa pagmamahal. Salamat din sa lahat ng pangunawa, pagaalaga. panahon at pagpapahalagang ibinigay mo sa akin. Siguro nga kailangan lang nating malayo sa isa't isa para marealize natin kung gano tayo kahalaga. Nasanay akong tinatanggap lang ang kung anong kayang ibigay sa akin, kaya naging ok lang sa akin lahat ng gusto mo. Pero ngayon alam ko na that someone should give me more than what I want, someone should give me what I deserve. Love is never the problem Richie. Dahil mahal kita, mahal na mahal. But this time, ayokong makiamot lang ng pagmamahal. Masakit na ako ang girlfriend mo pero litrato ni Chelsea ang nasa wallet mo. Pero inintindi kita but now siguro naman tama na ang panahong ibinigay ko sa yo para ibigay mo sa kanya. Buong buhay ko, I was never selfish pero now I want to be. Dahil kaya ko ng ibigay ang buong puso ko sa yo at ang lahat ng pagmamahal na meron ako. So, I will not settle for anything less. I want to have the chance to tell every body that you are all mine ng buong puso at kaluluwa. Sana pagbalik ko, you already got there at may katugon nang sapat na pagmamahal ang pagmamahal na kaya kong ibigay. Kung hindi naman ok lang, iisipin ko na lang na isa kang napakagandang alaalang dumaan sa buhay ko. Ingat ka palagi. See you when I see you.
![](https://img.wattpad.com/cover/75447902-288-k132633.jpg)
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.