Makalipas ang ilang araw, pumutok ang balita tungkol sa engagement ni Uno at Maxine. Nasa frontpage ng bawat lifestyle section ng lahat ng Broadsheets ng Linggong yon. Kadarating lang ni Dei sa Hotel at hinanap nya ang mga dyaryo gusto sana nyang magbasa. Nagulat siya ng sabihin ng receptionist na kinuha daw ni Sir Simon ang mga ito. Naisip nya mamaya na nga lang siya magbabasa. Kakaupo niya lang sa Beach Front resto dumating si Ram at Krizza. Bumeso sa kanya ang dalawa.
Dei: Ang aga niyo ah, breakfast tayo?
Ram: kaya nga kami nandito ang gusto ng daddy kapag weekend magkakasama tayo.
Krizza: Gusto ko ng bacon, pancakes at eggs.
Tinawag ni Dei si Sam...
Dei: Sam pakuha kami breakfast... alam mo na get everything.
Sam: Ok po. Ilang plate?
Dei: Lima, am sure pababa na si Dad at JR.
Ilang sandali pa bumalik si Sam kasama ang isa pang waiter. Nilapag nila ang isang pinggan ng bacon, sausage, pancake, bread, eggs at cold cuts and cheese at butter and jelly. Isinet ang limang plato at nilagyan ng spoon, fork at knife.
Sam: Anything else Mam?
Dei: Ay gusto ko ng bacon and mushroom omelet.
Biglang sumigaw si JR
JR: make that two and brewed coffee please
Paglapit nito sa table, nagbeso kay Krizza, high five kay Ram at hinalikan si Dei sa pisngi.
Napatingin lang ang tatlo kay JR.
JR: Good morning everybody. It's a really nice day.
Krizza: You are in a good mood today?
JR: Syempre it's a Saturday at first time in a long while na walang event.
Hinampas siya ni Dei
Dei: natuwa ka pa dyan!
JR: Oy hindi lang ako ang natuwa, ang Daddy din. Kasi may plano syang gawin.
Ram: Ok spill the beans...
JR: Hintayin nyo na ang Daddy, gusto nyang siya ang magsabi eh.
Dumating si Sir Simon at naupo sa kabisera ng lamesa. Humalik silang lahat sa pisngi nito.
Lumapit si Sam at inilapag ang kape sa harap ng matanda.
Sam: Decaf, one cream and one splenda.
Sir Simon: Sam, anong may sabaw ang nasa buffet table.
Sam: May aroskaldo ho at egg drop soup
Sir Simon: Konting aroskaldo na lang at pahingi ng onion omelet, isang itlog lang.
Sam: Ok po Sir.
Ram: Good morning Dad, ano tong sinasabi ni JR.
Sir Simon: May isang property na binebenta sa akin, sa Balinghai Beach, gusto kong puntahan at gusto ko kasama kayong lahat, pati si Vinz.
Dei: Are you planning to open another resort Dad?
Sir Simon: Depende... but I am more interested in building us a house there.
Ram: Talaga Dad, I have been to Balinghai, its still preserved. Maganda don.
Sir Simon: That is what I heard. May isa lang daw resort don na malapit, the rest are residential house na malayo sa beach. May existing road at yung beach front ang ibinebenta sa akin. So, we will go there after breakfast and explore the place and think of possibilities. Dei, what food can we bring na hindi masisira kahit mainit ang araw? But we are bringing the yatch. The owner will meet us sa beach mismo. Sam sumama ka na din sa amin.
BINABASA MO ANG
by the seashore
RomanceThey say Love can either make or break you. Read how JR and Dei broke their hearts and how they learned that love can teach you a lesson or two.